Chapter Twenty Six

21 1 0
                                    

Chapter 26

Jenice's Point Of View


        "Jeth! Asan ba si Nanay?" Tanong ko sa kapatid kong nasa likod ng bahay namin at naglalaba. Ang cool ng kapatid ko pero naglalaba? Kung makikita lang ito ng mga babaeng may crush sa kanya, palagay ko maiinlove na talaga sa kanya. Haha. Aba eh minsan lang ang lalaking naglalaba. Nakakainis nga lang minsan ang lalaking ito. Haha.


        "Di ko alam ate. Bibili ata ng pagkain para lunch natin." Sagot niya habang kinukuskos yung brief niya.


        "Eew yuck. Ang baho naman ng brief mo! Amoy malansa!" Asar ko sa kanya. Syempre, hindi yun totoo. Nang aasar lang. Haha.

        Nagulat ako ng hinagis niya ang brief niya sa mukha ko. Bulls-eye talaga. Na shock ako saglit. Natauhan nalang ako nang ang brief niya ay naglanding na sa paa ko. Nakita ko nalang si Jeth na tatawa tawa na hawak ang tiyan niya.


        Ramdam ko ng nasayaran ng sabon ang mukha ko. Pinahid ko ito. Sumigaw ako, "Humanda kaaaaa!"

        Ayun. Hinabol ko siya. Tawa tawa naman siya sa akin. Pero hindi na talaga ako masyadong humabol, mabigat yung katawan ko eh! Hahaha.

        Napunta na pala kami sa sala dahil sa paghabol ko sa kanya na di ko naman naabutan. Kaya umupo nalang ako sa sofa namin.


        Nagulat nalang ako ng nagmulat ako ng mata at nakita kong nakahiga ako! Oh my gosh. Nananaginip ba ako? As far as i remember, naghabulan pa kami kanina ni Jeth at nahapo ako kahit sandali lang naman yung tinakbo ko at umupo ako ng sofa. So it means, NAKATULOG AKO? Nakng. Maghuhugas pa ako ng pinggan at magwawalis eh!

        Umupo ako. Napahawak ako sa ulo ko. Nagulat ata sa pagkakaupo ko na nahilo pa ako. Dun ko na realize kong may unan ako at may kumot. Sino gumawa sa akin nito? Si Jeth?


        Dun naman sumulpot ang kapatid ko. "Oh ate. Gising kana pala."


        Tumayo na ako at napakapit ng naramdaman kong nahilo talaga ako. Nakita siguro ito ni Jeth at agad akong dinaluhan. "Okay ka lang ate?"

        Pinaupo niya ako ulit. Tumango ako. "Nalipasan siguro ako ng gutom kaya nahilo ako."

        "Baka nga ate, kain ka muna. Ako na nagwalis at naghugas pagkatapos ko sa paglalaba kasi tulog na tulog ka eh."


        Tumango ako. Ginulo ko ang buhok niya at ngumiti. "Bait naman ng baby boy ko."


        Nakita ko ang pagsimangot niya. "Nagsisimula ka na naman ate. Jan ka nalang, dadalhin ko nalang dito yung pagkain."

The Chic and the Ass (MATURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon