Chapter Thirty Nine

26 0 1
                                    

Chapter 39



"Saan punta mo pagkatapos nito? Hatid na kita?" Alok sa akin ni Kris paglabas ng restaurant. Nagsabay kasi kaming lumabas. The deal has been sealed. He is now an investor of our company. It would be a very big help.


I know that he's really sorry for what he did noon. Pero he doesn't have to do this. Tapos na.


Di ko mapigilang isipin ang nakaraan, parang kailan lang, nung hindi man lang niya ako mapasakay sa sasakyan niya, minsan lang ata niya akong nahatid noon. Baka noon, sobrang saya ko pag ganito ang magiging linya niya. Pero ngayon? Walang epekto. Agad kong pinalis sa ulo ko iyon. There is no use in dwelling in the past. It's done.


Bago pa ako nakasagot ay nakita ko na si Caden na papunta sa akin at nakangiti. Nginitian ko siya at nilingon ko si Kris at nakita ko ang pag awang ng labi niya at may nagdaan na emosyon sa mata niya bago niya natikom ang bibig niya. Saglit lang naman yun kaya naisip ko na guni guni ko lang iyon.


Napakamot sa ulo si Kris at tiningnan niya ako at nginitian. "So, it's a no then. I-i should go." Parang kidlat na nawala si Kris sa tabi ko at nawala na parang bula. Hindi man lang siya nag hintay na ipakilala ko silang dalawa ni Caden.


At isa pa, ba't nag conclude siya na 'NO' ang magiging sagot ko sa paanyaya niya? Tatanggihan ko naman talaga siya pero nagtaka lang ako.


Nakita ko rin ang naglalarong ngisi sa mukha ni Caden ng nasa harap na niya ako bago hinapit ng isang kamay niya ang baywang ko at kinintalan ang labi ko ng saglit pero madiing halik. Pagkatapos ay dinala niya ang kanyang labi papunta sa tenga ko. Ramdam ko ang mainit niyang hininga.


Mabilis ito.... Agad akong kinabahan. Alam ko na to. "Hindi mo sinabi saking makikipagkita ka sa tarantadong ex mo." Matigas na sabi niya sa akin bago niya ako hinila papasok sa sasakyan. Bakas ang galit sa mukha niya habang binubuksan niya ang pintuan ng sasakyan. Kahit galit ay pinagbuksan niya parin ako. Hayyyy.


Tahimik lang kami ng umandar na ang sasakyan. Napakagat ako ng labi at napahinga ng malalim ng makita ko ang pag igting ng panga niya habang nakahawak ng mahigpit ang kanyang mga kamay sa manibela ng sasakyan.

I know that this is not the right para ma ON.


But I'm sorry. Nakaka ON ang galit niya. Kahit anong emosyon na ipinapakita niya, nakaka ON lang sobra. Napapikit ako.


Get a hold of yourself, Jenice. You are a naughty girl. Pinagnanasaan mo ang boyfriend mong galit. Ayusin mo muna yan bago ka mag entertain ng dirty thoughts. Okay, by now, I know that alam niyo na na may namamagitan sa aming dalawa ni Caden. Yes, boyfriend ko na siya. If I have the time, ikikwento ko sa inyo kung paano nangyari na naging kaming dalawa. Someday.


Hinamig ko ang sarili at napatungo. Tumingin nalang ako sa bintana kasi sobrang na seseduced ako sa boyfriend kong galit. Base sa nakikita ko sa labas ng bintana papunta kami sa Waterfront. Kahit noong kami ni Kristoffer noon.


Hindi ako kailanman nag isip ng kahit anong dirty thoughts, never akong nag isip na gusto kong mag ganun kami, alam ko dadating kami sa ganun, pero never talaga akong nag isip na i like to do that.

The Chic and the Ass (MATURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon