Fourty Three. Two

20 1 0
                                    

Chapter 43.2

Inangat ko ang mga kamay ko. Agad niya akong hinawakan sa magkabilang baywang ko at inangat papunta sa katawan niya.

Pinulupot ko agad ang legs ko sa baywang niya at niyakap ng mahigpit ang leeg niya. Binaon ko ang mukha ko sa leeg niya at hinayaan ang sarili kong kargahin niya na parang bata.

Hinawakan niya ang butt ko para suporta at para ayusin yung pagkakayakap ko sa kanya at para di ako mahulog.

Ang bango ng mahal ko.

Walang tao sa sala. Kaya diretso kaming nakapunta sa kwarto.

"Ikaw talaga. Nagpapakarga ka lang e." Tukso niya ng napahiga na niya ako sa kama. Humiga din siya sa tabi ko.

Nakasandal ako sa dibdib niya at pinipisil niya naman ang balikat ko. Ang init ng dibdib niya. Gusto ko talaga pag nasa tabi ko siya. Everything feels so right when I'm with him.

Ginawa niya lahat ng gusto kong gawin ni Kris sa akin noon. Siya yung pumuno. Kaya niyang gawin lahat para lang sa akin.

Binelatan ko siya. "Gusto ko pag lagi mo akong ginaganun e." Hagikhik ko.

Hinalikan niya ang ulo ko. "Inom ka na ng gamot."

Kusa na akong kumalas at tiningnan ko lang ang malapad niyang likod habang lumalabas sa kwarto.

Nagbihis ako saglit kahit mahirap igalaw yung ulo para naman maging komportable na ako. Pagkatapos nun ay pinikit ko ang mga mata ko.

Nagising ako ng may biglang dumamping kung ano sa labi ko. Dumilat ako at nabungaran ko ang malapit na mukha ni Caden sa akin. Hinalikan niya pala ako.

"Nice..." Ngiti niya. Kahit galing na ako sa pagkakaidlip, di ko parin maiwasang kiligin. Ano ako? Sleeping beauty? Hinalikan para magising?

"Bangon kana, Nice. Kakain na."

"Nakatulog ba ako?" Tanong ko habang inuunat ko ang katawan ko. Hinila niya ang kamay ko at pinaupo. Tamad naman akong sumunod sa hila niya. Pinagsalikop niya ang kamay namin.

"Di kana nakainom ng gamot. Sobrang lalim ng tulog mo e. Nakakaawa kang gisingin, Nice." Malumanay na sabi niya. Napatango naman ako.

"Masakit parin ng konti ang ulo ko pero wala na yung hilo ko." Sumbong ko sa kanya na parang bata.

Napangiti naman siya.

"Kain ka na muna tas inom ka na ng gamot pagkatapos. Lika na." Hinila na naman niya ako para tumayo.

Pumiglas ako. Pinakitaan ko siya ng pagod na mukha.

"Nahihilo pa ako, Cade." Malungkot kong sabi.

Bumuntong hininga siya sa sinabi ko. Kinurot niya ang pisngi ko at tumalikod.

"Sakay na." Lumaki ang ngisi ko. Piggy back ride!

Agad ko siyang sinunggaban at pinanggigilan ang leeg niya.

"Amoy gwapo ka po." Tukso ko sa kanya.

Napatawa lang siya. Bumaba kami habang karga niya parin ako sa likod at likot na likot. Wala na ata talaga yung hilo. Bearable na. Kahit sandali lang naman yung tinulog ko, parang nakatulong din naman.

Sinisita niya naman ako sa paglilikot ko. "Wag malikot, Nice. Baka mahulog ka." Dahil sa kalikutan ko, hinay hinay lang yung paglalakad niya.

"Alam ko namang di mo ako pababayaang mahulog." Bulong ko sa tenga niya. Ginalaw galaw ko ang legs kong nakababa. Perwisyo na perwisyo siya sa akin at ako naman ay tuwang tuwa naman. Gwapo talaga ng Caden ko.

The Chic and the Ass (MATURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon