Chapter Twenty Two

40 1 1
                                    

Chapter 22

September. 2, 2008

Jenice's Point Of View


        It's been 2 months since that HOT DAY. Charing. Kami parin. We are still together. Going strong yung relationship namin. Or ako lang yung going strong?

        "Ano ba?! Sabing may gimik ako mamayang gabi! Bakit ka ba nangingialam sa mga lakad ko? Nakakasakal ka!" Sigaw niya sa akin.

        Lumipad ang mga kamay ko sa bibig ko. Pinigilan ko ang umiyak. Kahit lagi nalang nakasinghal si Kris, kahit 4 months na siyang ganyan. Sanay na ako. Sanay na sanay. Kaya lang, sobrang sakit ng mga ginagawa at sinasabi niya sa akin ngayon. Kahit nasanay na ako, masakit pa rin.


        Nagsimulang magtubig ang mga mata ko. Nakakasakal ako? Bakit anong ginawa ko? Kahit nga wala na siyang masyadong oras para sa akin, iniintindi ko kasi alam kong hindi ako sentro ng buhay niya at naiintindihan ko iyon letse! Samantalang ako, ginawa ko na siyang buhay ko! Masakit marinig ang mga salitang ito sa kanya. Masakit.


        Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko. Hindi ako dapat umiyak. Sanay kana Jenice. Sanay kana sa kanya.

        "Paano mo iyan nasasabi Kris? As far as I know iniintindi kita hanggang sa kaya ko. Ang gusto ko lang naman kasi. Bigyan mo naman ako ng konting oras. Girlfriend mo ako. Dapat may oras ka sa akin. Hindi ko naman sinasakop lahat ng oras mo eh. Konti lang. Para maramdaman naman kita." Mahinahon kong sabi. Ayaw kong sabayan ang init ng ulo niya. Wala iyong magandang maidudulot sa aming dalawa.

        "Sabi ng busy ako eh! Stupid! Umuwi ka nga sa inyo! Nakakairita ka! Sht!" Oh god. Kris. What's happening to you? Bakit mo ako ginaganito? Anong ginawa ko para ganituhin mo ako?


        Pinisil pisil ko ang mga binti ko dahil feeling ko, babagsak na ako anytime dahil sa panlalambot ng mga binti ko. This is torture.


        Humakbang ako sa kama at umupo doon. Hinawakan ko ang mga kamay ni Kris at hinagkan ito. Hindi niya naman binawi ang mga kamay niya. Baka okay lang.


        I'm madly inlove with you Kris. At kahit ano pa ang sabihin mo, kahit ano pang gawin mo. I promise to be here with you forever. Kaya ko Kris. Kaya kong intindihin ka ng paulit ulit. Just don't give up on me. Tayo lang dalawa Kris.

        "I love you, Kris. I love you." Paulit ulit kong sabi sa nakahigang si Kris. Ilang ulit ko na yang nabanggit sa kanya sa nakalipas na buwan. Ayaw kong makalimutan niya na may isang Jenice na sobrang mahal na mahal siya. Pinapaalahan ko siya palagi. Para hindi niya makalimutan at hindi niya ako iwan.

        Huminga ako ng malalim ng wala akong narinig na response sa kanya. Sinulyapan ko siya. Maamo ang kanyang mukha na nakapikit na di mo maiisip na may sinabi itong sobrang nakakasakit ng damdamin.


        Isa pang nagpapasakit ng puso ko ay ni minsan. Kahit isang beses lang, hindi ko narinig ang salitang "I love you" sa bibig niya. Masakit. Sobra.  Kasi gusto kong marinig kung mahal niya ba ako. Kung may dapat ba akong ipaglaban sa relasyong ito. Mahal na mahal ko si Kris and I can't afford to lose him. I will surely die.


        "Umalis kana." Bigla niyang sabi. Nakapikit parin siya. Na parang ayaw niya akong makita. Binawi niya na rin ang kanyang mga kamay mula sa pagkakahawak ko. Hindi ko na mapigilan ang humikbi. You are hurting me, bigtime Kris.


        Sige. Aalis ako. Kung ikakasaya mo. Pinunasan ko ang mga luha kong nagsisimula ng tumulo at tumayo na.


        "Sige. Aalis na ako." Gusto ko siyang halikan. Miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na siyang maramdaman.


        Pinagbigyan ko ang sarili ko. Lumapit ako sa kanya at dinampi ang aking mga labi sa labi niya. Pumikit ako. I want to feel his lips against mine. I lingered it for like 10 seconds. Nakita ko ang pagmulat ng kanyang mga mata. Sa gulat maybe.

        Binitiwan ko narin ito. "Sige." Atubili akong umalis. Hayyyyyy! Umalis na ako ng tuluyan. Alam ko namang di niya ako pipigilan at babawiin yung masasakit na sinabi niya. Sanay na ako. Sanay na ako na masaktan.

        ---To be continued...

Note:

The next chapter is private po. You nedd to be a FAN to have access. Pero maari niyo naman pong i unfan pagkatapos niyong bumasa sa private chapter. Nasainyo na po yan. This is the link po sa hindi makakita.

http://www.wattpad.com/102715074-the-chic-and-the-ass-chapter-twenty-three

The Chic and the Ass (MATURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon