Prologue

187 5 1
                                    

Prologue

June. 16, 2008

Cebu City

"Sabi mo, ako lang? Pero bakit marami kami? Bakit andami paring babae? Hindi parin ba ako sapat para sayo ha? Ginawa ko naman lahat diba? Ibinigay ko naman lahat ng kaya ko, hindi ba? Ano pabang kulang?" Nahahapong sabi ni Jenice sa boyfriend niyang si Kristoff. Masakit para sa kanya na ang mahal niya ay gustong makipag hiwalay sa kanya. Ang mas masakit, sa araw ng monthsary pa nila.

"Ginawa mo lahat, kung ikagagaan ng dibdib mo. Pero masisisi mo ba ako kung hindi ko kailanman matutunan na makontento sa isang babae? Especially sayo?" Nakataas ang kilay ni Kristoff habang sinasabi ang mga masasakit na salitang ito sa girlfriend niya. Or shall we say, ex girlfriend?

Shiz. Ang hirap kasi sa mga babae, ang hilig sa fairytale. Akala nila na sa totoong buhay ay nangyayari yung mga "Napatino ang playboy".

Shiz ulit. Kung totoo ito, matagal pa bago siya mapapatino. 18 palang siya, at marami pa siyang kakaining masasarap na babae. Ayaw niyang mabilanggo sa isang clingy na babae.Yung tipong text ng text kung asan ka na daw.

Shit. Nakakairita yun. Dapat ba talagang sabihin ko sa kanila lahat ng lakad ko? Kairita talaga. Kaya habang maaga pa, iwas na. Kasi ang mga babaeng ganyan, gagawin ang lahat, mapikot ka lamang.

Kinikilabutan talaga siya sa ganyang klaseng babae. Tipo niya ang mga babaeng game sa "No string attached". Yan, pwedeng pwede yan. Pero minsan, kahit ganun, meron paring nagkakamaling mainlove sa kanya. Katulad ng babaeng ito.

Kasalukuyan silang nasa condo ni Kristoff.

"Ano bang gusto mo? Sige. Kahit ayaw ko, sige angkinin mo na ako. Wag mo lang akong iwan." Lumuluhang saad ni Jenice. Ayaw man tanggapin ng moral niya ang sinabi ay binalewala niya nalang. Ayaw niyang mawala si Kristoff sa kanya at kung kailangang ibigay niya ang kanyang sarili para hindi siya iwan ni Kristoff.

Shit kahit ayaw niya, ibibigay niya. Ganun niya ito kamahal. Sa dalawang buwan nilang pagiging magnobyo, hindi niya kailanman binigyan ng pagkakataon si Kristoff upang siya ay madala sa kwarto o kahit saan mang lugar yan na pwedeng magawa ng nobyo ang nais nito. Hanggang necking at petting lang ang kaya niyang ibigay dito. Dahil sa kadahilanan na 18 yrs. old pa siya. At 2nd year college palang.

Sobrang bata pa niya para pumasok sa makamundong pagnanasa. Ilang beses na siyang niyaya ni Kristoff na ganun nga, ngunit ayaw niya. Oo, minsan siya ay nadadala dahil shit ang sarap niyang humalik.

Pero isa lang siyang hamak na scholar sa isa sa magagandang paaralan dito sa Cebu, ang University of Cebu o mas kilala as UC.

At siya lang ang inaasahan ng kanyang pamilya upang umahon sa kanilang kahirapan. Pero, ito yung dapat pagbayaran niya dahil minahal niya ang lalaking pinagkakaguluhan ng mga babae sa campus. Hindi nga niya alam kung bakit naging boyfriend niya si Kristoff.

Simple lang naman siya bilang babae. Walang arte sa katawan. Simpleng lip stick lang at pulbos, yun na. Isa siyang invisible sa school na ito. Na tanging kaibigan ay libro at notebook. Walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Weird daw kasi siya. Ewan sa kanila.


Lalo na ngayong naging nobyo niya si Kristoff. Pero hindi niya nalang inintindi iyon. Basta kontento na siya sa piling ni Kristoff.

At kaya niyang gawin lahat, sa ikakasaya ng unang taong minahal niya.

"Shit. Ito yun eh! Ito na. Effective talaga mga styles ko." Bulong ni Kristoff sa kanyang sarili. Ngumisi si Kristoff kay Jenice. Panalo na siya sa pustahan nila sa kanyang mga kabarkada. Isang break up lang pala katumbas ng virginity ng babaeng ito. Shit. Mapapasakanya na ang sports car ng kaibigan niyang si Adam. Grabe naman kasi itong babae na ito. Sobrang pakipot.


Swerte nga niyang naging boyfriend niya ang pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa. Hindi pa naman kagandahan. Sobrang boring pa. Kung hindi lang dahil sa pustahan, nunkang pag ukulan niya ng pansin ang ganitong klase ng babae. Hay, pagkatapos nito. Bye bye Jenice na ang drama niya.

Dahan dahang lumapit si Kristoff kay Jenice at hinapit sa baywang ito. Binulong niya ang mga katagang ito sa tenga ni Jenice, "Wala ng atrasan." Hindi alam ni Kristoff pero sobra siyang nasabik ng maamoy ang mabangong samyo ng balat ni Jenice. Natural ang amoy na kanyang naaamoy.

At nakakadagdag ito sa pagkasabik niyang maangkin ang babaeng ito. Sa wakas, matitikman niya na rin ang pinaghirapan niya. Di na siya makapaghintay na maangkin ito. Totoong boring ito pero hindi mapagkakailang may dating sa kanya ang babaeng ito.

Napapikit si Jenice sa ginawa nito. Ang mainit na hininga na tumatama sa kanyang tenga ay naghahatid sa kanya ng kiliting hindi niya maintindihan. Laging ganito ang kanyang nararamdaman kapag kasama niya si Kristoff. Minahal niya ito ng buong puso niya. Kaya hindi siya makakapayag na mawala ito sa kanya.

"Wala akong balak umatras." nakapikit paring sagot ni Jenice kay Kristoff. Ayaw niyang tingnan si Kristoff at baka malusaw siya sa napakagwapong mukha nito.

Nagsimulang maglakbay ang mga kamay ni Kristoff galing sa baywang niya, dumaan sa dibdib niya papunta sa mukha niya. Ikinulong ni Kristoff ng dalawang kamay ang mukha ni Jenice at hinalikan agad ito ng marubdob. Agad itong tinugon ni Jenice.


Mahal niya si Kristoff at sana hindi niya pagsisihan ang mangyayari sa kanila.

Shit. Wala na talagang atrasan to.

-- To be continued...

Author's Note:

I hope you have the time to read this story. Yun lang. Comment din pag may time ha? Salamat.

*BeaClyden

The Chic and the Ass (MATURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon