Chapter Eight

44 3 0
                                    

Chapter 8

Jenice Point Of View

        "Bakit mo ba ako dinala dito? Ano bang pag uusapan natin?" Tanong ko makalipas ang sampung minuto na katahimikan. Hindi ko siya tiningnan habang sinasabi ang mga katagang iyon. Ayaw kong tumingin, kasi based on my peripheral vision, Kristoffer Boiser is freaking looking at me. Nakaharap siya sakin. Yung parang nakatagilid yung katawan niya para matingnan ako. Habang ako naman ay nakaupo lang ng maayos.

        Ni hindi ko man lang siya masulyapan. Gusto kong lumubog sa kinauupuan ko. Never kong inisip na magiging totoo ang nooy pangarap ko lang. Yung nandito siya sa tabi ko. Malapit sa akin habang nakatingin din sa akin. Feeling ko mabubuang ako. Hindi ako makapaniwala. Grabe lang.

        Hindi parin siya tumitigil sa pagtingin sa akin. Nakakailang. Kaya ang ginawa ko nalang ay inabala ko ang sarili ko sa pagmamasid sa paligid. Avoiding his "nakakatunaw" eyes.

        Sinagot niya ako habang nakatingin parin sa akin. Shit naman oh. Stop looking at me please.

        "Where is your phone right not?" Ha? Anong meron sa cellphone ko? At please lang ha. Nosebleed ata magiging kahahantungan ko kung hindi titigil ang mahal ko sa pag eenglish.

        "Nandun sa bag ko. Bakit?" Nakataas ang kilay ko habang nagtatanong sa kanya. This time, tiningnan ko na siya. Ang ganda ng mga mata niya. Mabilog na may pagka singkit. Shit. Ang gwapo talaga. Shit. Shit. Shit.

        Hindi ko na matagalan ang pakikipagtitigan sa kanya kaya tumungo nalang ulit ako.

        Nagulat naman ako ng hinawakan niya ang baba ko at iginiya pabalik sa mukha niya.

        "Look at me." He whispered while his face is in my face. Shit. Anong klaseng english ba yun? Putek. Nagkabuhol buhol na dahil sa lakas ng appeal ng lalaking kaharap ko ngayon. Ang bango pa ng hininga niya na tumama sa mukha ko. My gulay, tama na. Hihimatayin na ata ako. Jusko.

        "You didn't received my message last night? Next time, If I texted you, better reply immediately. Okay? I never like the feeling of waiting." Madiin niyang sabi sa akin. In a bossy but sexy way. Ako naman si tanga ay nakatitig lang sa kanya. Wala sa sariling napatango ako sa sinabi niya. Ang bossy pala ng mahal ko. Shet. Nakakainlove.

        Wait. Nagtext pala siya sa akin kagabi? Hindi ko na na check up ang cellphone ko eh. Sobrang pagod ko kaya kagabi.

Napansin niyo ba? Mura ako ng mura diba? Sorry na ha? Kasi naman. Ang hirap mag express ng sarili. Gwapo kasi talaga ng mahal ko eh. Sobra. Nakakalipad ng panty. Gulay. Haha.

        "Good." Ngumiti siya ng matipid sa akin at binitiwan na ang baba ko. Hindi ko napansin na pinigil ko na pala ang paghinga ko kanina. Kaya abot ang pagsagap ko ng hangin. Baka naman kasi bad breath ako ano? Kahit na nag toothbrush naman ako kanina bago pumunta dito sa school. Pero kahit na. Mabuti na yung sigurado. Atleast, hindi ma tuturn off si mahal ko. Ahihihihi.

The Chic and the Ass (MATURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon