Chapter Seven

47 3 0
                                    

Chapter 7

Jenice's Point Of View

        "Aruyyy. Sakit ng katawan ko." Daing ko. Ansakit kasi talaga. Sumakit sa paglalaba. Pero okay lang, natulungan ko naman si nanay.

        Kasalukuyan akong bagong gising. Tiningnan ko ang orasan na nasa dingding. 6:00 am na. Ganitong oras ako laging bumabangon kasi ginagawa ko lagi ang mga gawaing bahay. Walang kaso yun sa akin kasi sanay na ako.

        Sa hirap ba naman ng buhay eh. Kala ko nga noon, di na ako makakatuntong ng college. Di na kasi talaga kaya ni Inay at Itay. Kaya ayun, naghanap ako ng scholarship. Buti nalang at nakahanap ako. Kaya ganito, 1st year college student na. Matutupad ko na rin pangarap ko sa buhay.

        Bumangon na ako galing sa pagkakahiga at pumunta sa banyo para magmugmog at mang hilamos. Pagkatapos nun ay lumabas na ako sa aking kwarto.

        Wala na si Inay sa bahay. Ayun, nagtinda na yun. Si Jethro, 6:30am pa yun gigising. 8:00am class nun eh. Ako gumigising din kasi walang uso alarm clock sa amin. Ako, nasanay lang talaga ang katawan ko na bumabangon ng maaga.

        Ginawa ko na ang dapat gawin sa bahay. Gusto ko kasi, kahit maliit lang yung bahay namin, presentable parin dapat tingnan. Dapat malinis lahat. Ganun ako.

        Pero di naman ako perfectionist. Inaalagaan ko lang talaga kung ano ang akin. Akin. Charing.

        Ayan. Tapos na. Pinahid ko ang pawis ko galing sa paglalampaso ng sahig. Si Jeth? Ayun. Umalis na papuntang school. Tiningnan niya ang orasan. 9:05 na. Sakto.

        Nagpasya na akong maligo.

        Pagkatapos nun ay umalis na ako sa bahay.

        Umupo na ako sa room namin. Wala pa yung prof namin. Hindi naman kataka taka. Late yun lagi eh.

        Nakapalumbaba ako na tumingin sa bintana. Nasa may bintana kasi ako nakaupo. Kitang kita dito sa pwesto ko ang mga taong naglalakad sa lobby papunta sa designated rooms nila. I'm oblivious about my surroundings. Tagus tagusan lang ang tingin ko.

        "Psssssst!" May narinig akong sumitsit. And I'm very sure na hindi ako ang sinisitsitan. Wala akong ka close remember? Kaya hindi ko nalang pinansin iyon at nag focus ulit sa pagtunganga.

        "HOY! DAY! PAMINAW SAD KAHA INTAWN NAKO HA? DILI LALIM MANITSIT!" Nagulat ako ng may sumigaw sa harapan ko gamit ang salitang bisaya na ang ibig sabihin ay -Hoy day! Makinig ka naman sa akin ha? Hindi madaling sumitsit!- Pumunta siya sa harapan ko mismo. Pakshet. Feeling ko nabasag yung eardrums ko sa lakas ng sigaw niya. Alam ko ang pangalan ng babaeng ito, ito ang astigin ng section nila. Hindi naman tomboy ngunit astig lang talaga kumilos. Siya si Trixie. Pero mas dapat mo siyang tawaging X kasi ayaw niya kasi sa pangalan niya. Sobrang girly daw.

        Kung paano ko nalaman ito? Simple. By observing my classmates lang naman. Hindi ko nga alam ang apelyido nito. Aminado akong sayang ang pagka boyish ni X kasi sobrang ganda niya eh. Parang anghel. Kung di nga lang mura lumalabas sa bibig niya ngayon. "ANO? PESTE MUTUTOK RAKA NAKO? UNSA MAN, MAGTINUTUKAY NALANG TA ANI?!!" Napangiwi ako sa sinabi niya. (Ano? Peste tititigan mo lang ba ako? Ano mag titigan nalang ba tayo dito?!!)

The Chic and the Ass (MATURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon