Chapter Nineteen

29 1 1
                                    

Chapter 19

Jenice's Point Of View


        Nakauwi na ako sa bahay. Wala si nanay pag uwi ko kasi nagtitinda na naman uli yun. Hindi ko narin naabutan si Jeth kasi may klase na yun. Kung nagtatanong kayo kung bakit nakapasok ako sa bahay kahit wala sila. Eh ano pa ba? May duplicate ako. Syempre. Hehe.


        Naligo ako ulit at nag bihis ng uniform kasi klase na naman uli. Tiningnan ko ang relo. Kaya nagmadali na ako sa kilos ko. Kumain muna ako ng agahan. Pagkatapos ko ay sinigurado ko munang walang appliances na naiwang bukas at sinigurado kong lock lahat bago umalis.


        "Ikaw... Ang pag ibig na hinintay... Puso ay nalumbay ng kaytagal. Ngunit ngayo'y nandito na, ikaw ikaw....~" Kanta ko pa habang papunta sa classroom. (Trivia: Pag kumakanta ako, ibig sabihin, inspired ang lola niyo! At wag kayo! Maganda boses ko. Wala nga lang nakakaalam ng talent kong to. Pero keri lang. Haha.)


        Wala ng masyadong tao sa lobby kasi nag start na yung iba. I wonder kung nandito na ba kaya sa school si Kris? Daanan ko kaya yung classroom niya?


        Great idea... Kaya naman, imbes dumiretso ako sa room namin ay lumiko pa ako sa room nila Kris para alamin kung nandun na siya. Amp. Naisip ko na naman tuloy yung nangyari kagabi. At kanina. Kinikilig na naman ako. Haha.


        Isang liko nalang at mararating ko na yung room niya. Nakita kong may tumatambay sa labas ng classroom nila. Kaya imbes ituloy ang pagliko ay  nagtago nalang ako sa dingding. Itinulos nalang ako sa aking kinatatayuan.


        Nakita ko si Kris na kasama nila. Apat na lalaki at tatlong babae ang nakatambay sa labas. Kasama na si Kris sa apat. Kasama na din dun yung bestfriend niyang si Adam. Puro sila good looking.

        Nakasandal siya sa dingndig ng classroom nila at nakapasok ang kamay sa bulsa ng slacks. May katabi pa siyang babaeng maputi. Okay. Maputi lang. Hindi. Inggit lang talaga ako kasi ang puti na nga, maganda at makinis pa! Mayaman ang peg. Tumatawa pa ang dalawa sa di ko alam kung ano. Hindi. Hindi tumatawa si Kris, nakangisi pala. Yung ngisi na naman niyang yan. Kaya hindi ko talaga masisisi ang tatlong babae na matulala kay Kris. Ganyan din ako eh!

        Kaya lang. Hindi maganda ang tanawin na ito para sa akin. Ako ang girlfriend, iba ang kasama at katawanan. Naningkit ang mga mata ko at humigpit na ang hawak ko sa librong hawak ko. Na iimagine ko ng hinihila ko ang buhok ng babaeng katabi niya at pinuputol ang ulo niya! Bwesit! Hayyyyyy!


        Pinigilan ko ang sarili kong pumunta sa kinaroroonan ni Kris. Ayaw kong mapahiya siya. At isa pa, hindi nila pwedeng malaman na may relasyon kami diba?


        Nagbigay pa ako ng isang sulyap bago umalis doon. Wala lang yun Jenice. Wala naman silang ginagawa eh. Nag uusapan at nagtatawanan lang naman sila. Okay lang yan.

The Chic and the Ass (MATURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon