Chapter Forty Five. One

30 2 0
                                    

Chapter 45.1

Mabilis lumipas ang mga araw.

Balik subsob sa trabaho na naman ako. Si Caden ay ganoon rin. Nagtatrabaho sa pamamagitan ng technology. Nakakapag communicate siya sa mga employees niya. Wala talaga siyang planong umuwi. Dito lang talaga siya sa tabi ko.

Nag avoid na ako sa pag stress sa sarili ko. Ako rin ang kawawa pag nagkataon.

Bukas ay third anniversary na namin ni Caden at sobrang excited na ako! Kahapon pa talaga ako nag iisip ng regalo para sa kanya. Hulaan niyo kung ano?

Birthday sex! Yes. Birthday sex. Desidido na talaga akong makipag anuhan sa kanya. Karapatan niya akong angkinin. Di niya kailangang magpigil kasi pag aari niya ako ng buong buo. Di niya kailangang mag atubili na hawakan ako kasi kanya ako.


Sisiguraduhin ko na talagang maisasakatuparan ko na ang plano bukas ng gabi. Alam kong may maiinis sa akin dahil sobrang atat ko na mag ganun kami. Well, this is reality. Mahal ko si Caden and I'm very willing to give myself to him. He deserves me. Period.

"Nice..." Untag sa akin ni Caden na pinagsalikop naman ang mga kamay naming dalawa.


Nasa sala kami at nanonood ng movie kasama si Jethro na nasa kabilang pang isahang sofa samantalang kami naman ay magkatabing nakaupo sa mahabang sofa. Nakasandal ako sa kanya. Langhap na langhap ko ang mabangong katawan ni Caden. Patay ang mga ilaw para mas ramdam yung pinapanood.

Sila Inay at Itay ay pumunta na sa kwarto nila. Matutulog na daw. 10pm na din kasi.

Nanonood kami ngayon ng FURY. Courtesy of Caden. Idol niya daw kasi si Brad Pitt. Wala namang kaso sa akin kasi hindi naman ako pihikan. Kahit anong magandang panoorin, mapa action, horror, comedy o romance man yan, manonood parin ako. At ganoon din si Caden.

"Yes, Cade?" Baling ko sa kanya ng may nagtatanong na mukha.


"I love you." Mahinang bulong niya sabay kagat ng labi niya at ngumisi pagkatapos.

Napahawak ako ng mahigpit sa kamay naming magkasalikop. Naramdaman ko ang sobrang pag init ng pisngi ko habang nakikipagtitigan sa kanya. Mind you, malagkit ang titigan naming dalawa.

Unexpectedly, Out of nowhere, bigla siyang nag I love you? Sinong di sasabog sa kilig nun? Samahan pa ng pagkagat sa labi niya? Mahihimatay na ata ako.


"I love you too." Sinuklian ko siya ng magaang halik sa labi. Bahala si Jethro diyan. Nag ngitian lang kaming dalawa na parang timang.

Narinig ko pa ang malakas na pagtikhim ni Jethro na hawak ang phone niya. Ngayon ko lang napansin na naka bihis pala ang binata namin. Nginusuan ko siya.

Nakita ko naman ang ngisi niya. "Nakaka istorbo ata ako. Alis na muna ako, Ate." Sabi niya sabay sibat papunta sa labas. Labas?


"Hoy! Wag kang magtagal sa labas! Baka kung mapaano ka!" Pahabol kong sigaw kay Jethro na papalabas na.


"Opo ate!" Sabi ni Jethro bago nilamon ng pintuan.


"Ang protective naman." Sabi ni Caden ng nakangiti. Parang nagliliwanag ata ang paligid. Yung ngiti niya talaga. Nakakaloka.


"Syempre. Mahirap na." Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Pagkalipas ng ilang minuto ay na hook na kami sa pinapanood. Andoon na kami sa part na may nakitang babae si Brad Pitt at yung kasamang lalaki niya.

The Chic and the Ass (MATURE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon