Remy's POV
"Z-zenon! A-anong ginagawa m-mo! M-masyado pa tayong bata para sa mga bagay na g-ganito!"
Nahinto naman siya sa ginagawa niya at naka-kunot noong pinagmasdan ang itsura ko.
Kasalukuyang nakatakip ang kamay ko sa mukha ko, pero nakasilip parin ang mata ko dahil 'di ako makaalis ng tingin sa ABS at macho niyang katawan! Waaaaaah! Fitang inerns! Avengers! Tulungan niyo ako!
Hihimatayin na'ko dito!
Charot!
"H-huh? What are you talking about? May masama ba sa ginagawa ko?" naka-kunot noong tanong niya.
Unti-unti ko namang inalis ang kamay ko sa mukha ko at pinilit ko ang sarili kong 'wag tumingin sa katawan niya!
"O-oo naman! N-naku ikaw ha! P-porket ano-
"Ano?" pinutol niya naman ang sinabi ko.
Excited lang? Ganern?!
"Porket ang ganda ng katawan mo!" tanging nasabi ko nalang. "Totoo ba 'yan?" hindi parin kasi ako makapaniwala na 'yung malulusog na ABS niya na pinagpapantasyahan ko dati, ay abot kamay ko na ngayon!
Waaaaaaah!
Ano bang nasabi ko?! Ba't tila hindi ko masabi sakanyang model -slash- artista -slash- crush ko siya? Mistulang may humihila sa dila kong sabihin iyon.
Maya-maya ay walang anu-ano'y inabot niya nalang ang kamay ko at-inilapat ito sa katawan niya!!!
Shutahamnida!!! Huhuhuhu! Dream come true! Nahawakan ko na rin ang ABS niya!!
Ramdam ko ang medyo basa pero makinis niyang balat! 'Di ko rin magalaw ang kamay ko dahil sa panginginig nito!
Tinignan ko naman ang mukha niya at wala man lang ekspresiyong samantalang ako, namutla na sa sobrang feels ngayon!
Alam niyo 'yung mixed emotion? Waaaaaaaaah!! Bumubuhos ngayon ang greatness ng kilig na agad niyang dinulot sa katawang lupa ko ngayong araw!
Doble-doble ito kumpara kapag nakikita ko siya sa posters or 'di naman kaya'y sa TV! 'Yung half naked na real life poster ni Zenon na pinaghirapan kong makuha dun sa store para lang sa ABS niya-ay ngayon totoong nahahawakan ko na!!!
Pero ang tanong, totoo kaya ang mga nangyayaring ito? O panaginip ko lang?
Waaaaaaah! Kung oo sana forever na ito!
Mabilis ko namang pinisil ang ABS niya at nang naramdaman kong medyo nakiliti siya ay-totoo nga! Hindi panaginip ang mga sandaling ito!
BINABASA MO ANG
Ang Echoserang Probinsyana
ЮморAno ang gagawin mo kung mapadpad ang one of the World's Famous Teen Heartthrob sa inyong isla? at hindi pa iyon, nagkaroon ito ng Amnesia! Iti-take mo ba ang advantage at magpapakilala sakanya na ikaw ay GIRLFRIEND niya kahit na isa ka lang naman sa...