Echoserang Entry #12

309 31 21
                                    

AN: But before we start the story, let me say thak you first to @procastinatorauthor_ for making a cute book cover to my new story. But I didn't published it yet because binubuo ko pa plot niya at mas nag fo-focus muna ako sa ka-echosan ni Remy :D Again, @procastinatorauthor_ , Thank you! :)





Remy's POV



"Ah, pogi the 2nd.. mahal mo ba ang anak ko?"




Bigla akong nabilaukan habang kumakain dahil sa sinabi ni mama. Agad naman akong binigyan ng tubig ni Kuya at mabilis na ininom ito.



'Mahal na ba'ko kaagad ni Zenon? Wala pa naamn 'ata siyang nararamdaman na something sa'kin, eh. Tsaka, kulang pa siguro 'yung pagpapa-cute ko sakanya kaya mas ipu-push ko pa! Hihi.'



Simula nung nalaman ni Kendra 'yung 'Relationship kuno' namin ni Zenon, ay agad niya naman itong pinagsasabi kina Mama at Kuya. At dahil masyadong intrigera si Mama, ay halos hindi na kami makahinga sa napakaraming tanong niya.


Mistula kaming nasa Hot Seat ngayon ni Zenon habang kumakain. Maliit lang ang lamesa namin, pero kasya kaming anim.



Kumakain kami ng hapunan, si Mama sa dulo, si Insan sa harap ko na katabi si Kuya Matt, na katabi naman si Kendra.


At ako.. katabi naman ni Zenon.



'Tapos ano? Sasabihin mo na namang kinikilig ka naman agad? Ganon?!' wika ng impakta kong konsensya.


Heh! Tumigil ka—



"Opo Tita, mahal ko ang anak niyo."



Muli akong nabilaukan dahil sa muli kong narinig. Pero mas malala ngayon kaya mabilis kong kinuha 'yung pitsel at saka uminom!



'Anong sinabi niya?! M-mahal niya ako?!'



"Eh iyan si Remy, mahal na mahal ka niyan eh. Baliw na baliw 'yan sa'yo, pogi!"



Bahagya naman akong nakaramdam ng hiya sa sinabi ni Mama. Maging siya kasi ay, alam na super fan girl ako nito ni Zenon.


Waaaaaaah! Mahal na niya'ko?! Really?! Tsaka, uwaaaaaah! Totoong naniwala nga siya sa pinagsasabi kong kasinungalingan sakanya na—may namamagitan sa'min at.. kapwa mahal namin ang isa't-isa!

Ang Echoserang ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon