Echoserang Entry #19

101 6 0
                                    

Remy's POV


Ngayon ang ika-tatlong linggong nakalipas mula nung mapadpad si Zenon mylabs sa isla namin. At ngayon rin ang ika-tatlong linggong pag-invade niya ng bonggang-bongga sa puso ko. Alam mo 'yun? Pinuno niya ang ispasyo dito sa heart ko. 'Yung tipong nahihiya nang dumaan 'yung mga dugo para mag-circulate sa puso ko, kase nga wala nang space. Charot.

Naiihi ako kaya tumungo ako papuntang banyo. Ngunit, napalunok ako ng makita kong lumabas ang isang hunk sa pinto nito. Sino pa nga ba? Eh di si Zenon KO. Half-naked lang siyang lumabas dito, twalya lang ang saplot niya sa katawan dahil obvious naman na kakaligo niya lang.

Nakangisi niya akong tinignan na siyang ikina-bahala /slash/ ikinakilig ko.



"What's the matter?" naka-ngisi niyang wika sa'kin habang tinitignan ako ng nakaka-loko.


Napansin niya pala! Nag-color change agad ang lola niyo. "Eh kase..." mygad. Shutang inamesh, ano na naman ka-cliché cliché na reason ang sasabihin ko? "'Y-yang twalya ko 'ata ang gamit mo."



Nasabi ko na lamang kahit hindi ko naman twalya iyo. Kay kuya iyon, pero siyempre bago iyon sakanya ipahiram ni kuya ay bagong laba 'yun.



"Really? I've been using this since the day na napadpad ako dito. Pinahiram kase ni kuya mo, akala ko sakanya. I'm sorry.." ang medyo nahihiya niyang sabi.

"Talaga? Ah kay kuya pala 'yan! hehe," pilit na nakangiting wika ko. "Kala ko kase sa'ken, pareho kasi kami ng twalya." Pagda-dahilan ko.

"Pfft. Okay." nakangiting wika niya saka naglakad.


Napatampal naman ako sa noo ko, 

Walanghiya ka Remedios, ba't kase may patulala-tulala kapang nalalaman jan? 'Yan tuloy nagmu-mukha kang tanga! Pabulong kong wika sa sarili ko.


Papasok na sana ako ng cr ng---



"Oh. Sht." Narinig kong wika ni Zenon sa likod ko kaya mabilis akong napalingon.



Nanlaki ang mata ko nang nakita kong wala na 'yung twalya sa baba niya.


"Oh bakit naghubad kana jan? Sa kwarto ka nga maghubad." Kunwari iritang wika ko at 'di sinasadsyang mapatingin sa uhm—ano niya!


Waaaaaah! He's wearing an American apparel underwear. First time kong makita siyang full-naked kaya napalunok ulit ako! Napatakip bigla ako sa mata ko at kunwari ayokong makita siyang ganyan. Kahit sa isip-isip ko ay pabor sakin na ganyan ang itsura niya. Kahit araw-araw nga siyang maglakad-lakad sa bahay ng nakaganyan eh ayos na ayos lang sa'ken!

Charot! Keme lang!



"S-sorry. Nasabit kase 'yung towel ko sa upuan," nahihiya niyang wika.

Ang Echoserang ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon