Remy's POV
"Janus! Pa-FB naman sa cp mo, oh! Low bat na kasi 'tong cp ko," naka-pout kong wika sa pinsan kong si Janus.
Kasalukuyan kaming nandito sa dalampasigan at sa kalagitnaan ng pag che-check ko sa official page ni Zenon, ay na lowbat na ako.
Argh! Kainis lang kasi, eh. May mga bagong pictures pa naman sana siya dun habang pinagdiriwang niya ang birthday na sa isang engrandeng yate. *pout*
'Di naman siya mapanuod sa tv kase by news flash lang siya every commercials pinapalabas. Gusto ko pa naman sanang maging updated!
Ito na ang isa sa napakaraming dis-advantage na pagiging isang probinsyana. Eh kung nasa manila lang sana ako, edi sana abot kamay ko na si Zenon ko!
Kaya ayun, habang nasa dalampasigan kami ng lalaki kong pinsan na si Janus ay naisipan ko nalang mag FB gamit ang free data at duon nalang ako nag abang sa mga updates sa pangyayari sa buhay ni Zenon mylabs.
Pero teka—porket nakakapag FB ako sa phone ko, baka isipin niyong may wifi kami, ah? Nakaasa lang akong sa free data dahil isa lang kaming hamak na mahirap 'no.
Tsaka, regalo lang kaya sa'kin 'tong cherry mobile kong CP ng tita ko nung nag debut ako.
"Sa tingin mo, makakapag FB ka kaya dito, insan?" wika ni Janus saka ipinakita sa'kin ang 3310 niyang cellphone.
Ang 'di ko maipaliwanag dito kay insan ay, bakit 'di siya bumibili ng bago niyang cellphone? Sobrang luma na 'yung sakanya, eh. Tska sa tingin ko, afford niya naman 'atang bumili dahil mukhang may kaya naman sila. Mas maganda nga ang bahay nila sa'min, eh.
Pero, kilala ko 'tong si insan. Siya 'yung tipo ng taong hindi mapili sa lahat ng bagay. Kaurat nga 'nung isang buwan, eh. Naging ex pala nito 'yung panget na si Dina na nakatira bayan.
Well, hindi naman ako Judgemental na tao, pero panget kasi 'yung ugali nu'n, eh. Parati rin akong pinag iinitan nun, at isa rin siya sa avid fan nung sikat rin na artistang si Harry Borrison.
Madalas nga na nag re-resulta sa away 'yung mga fans sa FB, eh.
At siyempre, magpapahuli ba ako? Aba, hindi ko naman hahayaang lait-laitin nalang ng mga fans nung panget na Harry na 'yun 'yung Zenon ko. Kaya isa ako sa mga nagba-bash ng palihim 'dun sa Harry at nangangaway sa fans niya.
"Bakit naman hindi? Parehas lang naman cellphone 'yan eh! Try natin! Baka pwede!" wika ko sabay abot sakanya 'yung cellphone niya.
Inilayo naman niya 'yung cellphone niya. "Insan, 'di nga kasi pwede, eh. Ang kulit mo naman!"
Ba't ba ang damot nitong si Janus? Saglit lang naman eh.
Napa-pout naman ako at napa-buntong hininga.
BINABASA MO ANG
Ang Echoserang Probinsyana
HumorAno ang gagawin mo kung mapadpad ang one of the World's Famous Teen Heartthrob sa inyong isla? at hindi pa iyon, nagkaroon ito ng Amnesia! Iti-take mo ba ang advantage at magpapakilala sakanya na ikaw ay GIRLFRIEND niya kahit na isa ka lang naman sa...