Echoserang Entry #17

213 13 2
                                    

A/N: Ennjoy the two updates! :))) PS: Be aware of typos. Pakiintindi nalang po. Thanks!




Zenon's POV



Ika-isang linggo ko na ngayong araw dito sa bahay nina Remy, at masasabi kong sa loob ng isang linggong iyon ay unti-unti na akong may naramdamang espesyal sakanya.


Wala namang problema sa'kin 'yun, dahil siguro mahal ko na talaga siya dati bago pa'ko magka-amnesia kaya madali akong napamahal ulit sakanya ngayon.


Siguro nga, utak ko lang ang nakalimot. At ang puso ko ay hindi dahil patuloy lang ito sa pagtibok.


Sa mga nagdaang-araw ay napakaraming nangyari sa'min ni Remy. Araw-araw kaming nasa labas ng bahay niya at tumatambay kasama ang kanyang pinsan at ang bespren niya.



Kasalukuyan akong nakahiga sa kama at nagising ako dahil sa ingay ng madaldal na kyut na batang si Kendra. Agad akong tumayo at tumungo ng kusina para umihi at magmu-mog.



"Oh, pogi the 2nd. Gising kana pala," wika ni Tita Mira habang naglilinis ng lababo nila. "Almusal kana muna diyan, nauna na kanina kina Remy dahil ayaw ka naman nilang gisingin."



Tinignan ko naman 'yung pagkain sa lamesa, ito ay sinangag at tuyo. Nakakatuwa lang isipin na sobrang simple ng buhay nila, pero masaya nilang tinatapos ang bawat araw.



"Nasa'n po si Remy? Nasa'n po sila?" tanong ko.

Napansin ko kasing tahimik kanina, kaya nagtaka ako kung nasa'n 'yung mga tao.


"Ah, nandiyan lang siguro sa labas." sabi ni Tita.


"Ah, sige po."



Mabilis akong lumabas ng kusina at nang magawi ako sa kwarto ni Remy ay napansin kong naka-bukas ito. Naisipan kong pumasok dito para tignan siya, at para tignan narin ang loob g kwarto niya.


Hindi pa kasi ako nakakapasok dito, at bigla nalang pumasok sa utak kong parang gusto kong makita ang loob nito.



Pagkapasok ko ay agad kong nakita ang kahoy na kama at ang mga sari-saring kagamitan. Medyo may kaliitan ang kwarto niya kaysa sa kwarto ng kuya niya na tinutuluyan ko ngayon.


Pinagmasdan ko ang buong kwarto, at saka ko napag-alaman na mahilig pala siya sa stuff toys. Punong-puno kasi nito ang kwarto niya.


Sa taas ng kabinet, sa may ulunan ng kama niya, at kung saan-saan pa naka-display. Medyo weird nga lang, sabagay babae siya at lalaki ako. Kaya magkaiba ang taste namin.

Ang Echoserang ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon