Echoserang Entry #13: Forest Adventure Part 1

277 29 21
                                    

Irish POV


"Sure kang hindi ka sasama Bru?" tanong ko sa kapatid kong si Seiji.


"Oo ate, tutulungan ko nalang si Kuya Matt sa likod bahay sumibak ng kahoy." wika niya. "Hehe. Gusto ko kasing i-try kung pa'no,"

"Hmm.. sige. Daldalhan nalang namin kayo ng prutas dito," wika ko habang hawak-hawak ko malaking eco bag na lalagyan namin nina Insan ng pinitas naming fruits.


"Irish, iha! 'Wag niyong kalimutan 'yung paborito ni Kendra, ha!" biglang sumigaw si Tita sa kusina.


Hehe. Naririnig niya pala kami. "Opo, masusunod! Sige po aalis na po kame!"

Biglang lumabas si tita sa kusina. "Sige iha, ingat kayo, ha? Marami pa namang mga mababangis na hayop jan sa gubat. Pero, ilang taon naring walang paramdam sila kaya siguro umalis na. Tsaka, kasama niyo naman si Pogi the 2nd!"


"Hahaha! Oo nga po tita, eh. Sa ABS palang nun eh, kabog na! Sige po, go-gora na akes!"



Gora: Alis

Akes: Ako



Mabilis akong lumabas ng bahay at nagtaka ako dahil wala nang Insan at Zenon ang nakikita ko. Wala na sila sa kinauupuan nila kanina lang!

Sa'n naman kaya sila pumunta? Baka iniwan na nila ako! Argh! Ano ba 'yan! Kainis naman kina Insan!


Mabilis akong naglakad para sana sumunod kina Insan, pero may nakita akong mga taong kakababa lang sa isang motor boat.



"Sino naman kaya sila?" nagtatakang wika ko sa sarili ko. Medyo madami sila dahil talong motor boat ang gamit nila. At puro sila lalaki.

Nang mapansin nila ako aya agad nila akong nilapitan, bago sila magsalita ay inunahan ko na sila, "Magandang hapon, ho. Sino po kayo? At ano pong pakay niyo?"


"Kami ay mga coast guards. Galing kaming maynila at may gusto sana kaming tanungin sainyo," wika ni kuyang menchu.



Menchu: Gwapo



"Ane yern?" pa-cute kong wika habang naka-puppy eyes pa.


"Ilang araw narin at hindi parin nakikita ang hinahanap namin," wika ulit niya. Siya 'ata 'yung leader nila. "Wala ba kayong napansing napadpad na katawan dito? Katawan ng nawawalang si Zenon Alvarez? Siguro kilala mo naman siya, binibini."



Napalunok ako dahil sa narinig ko.



'Naku! Uwaaaaaah! Hinahanap nila si Zenon! Lagot na!'


Ang Echoserang ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon