Echoserang Entry #20

100 6 2
                                    



Remy's POV

"WHAT THE---OH MY GOD! GUYS, Look! Si Zenon!!" mabilis na awtomatikong umikot ang ulo ko at lumingon sa pinanggalingan ng narinig naming sigaw ni Zenon.


Grupo sila ng mga babae, halatang Kpopers dahil sa itsura nila.


"Oo nga! Waaaaaaah we miss you beks!" sabi naman nung isa at tuwang-tuwang sinalubong ng yakap 'yung bading na paparating.

"Bakla ka! Nag-college lang tayo, 'di kana nagpakita! Sarap mong kaltukan sa ulo!" sabi naman ng isang babae nang makalapit na sakanila 'yung kaibigan nila.

Nagkatinginan kami ni Zenon, "Pfffft. I thought it was me," nakangiti niyang sabi na halatang pinipigilan ang tawa.



Nakahinga naman ako ng maluwag. Sumikip kanina 'yung pag-hinga ko eh. Nadala ng kaba!



"Hahaha! Oo nga! Kapangalan mo 'yung beki!" natatawang sabi ko saka akmang i-inom na sana ng juice ngunit wala na palang laman ito.

Napansin naman niya kaya ini-alok niya sa'kin 'yung drinks niya, "Hahaha. Here," pag-alok niya sa juice na hawak niyang nasa plastic cups at ini-aabot sakin.

Namula naman 'yung lola niyo sa hiya, siyempre nag-mukha ako patawa. Kaya ini-abot ko ito, "Salamat!" masayang wika ko saka mabilis na ininom ito.



Para narin kaming nag lips to lips nito! Hihi. Ang saya! Pero, may biglang bumalik sa ala-ala ko. 'Yung halik, 'yung first kiss namin ni Zenon. Maulit kaya 'yun? King mother! Nagdi-dribol na naman ang puso ko sa kilig!



"Tulala na naman?" natatawang wika niya.

Wala sa sariling sumagot ako, "Wala. Naalala ko kasi 'yung kiss natin sa tree house," saka tumingin sakanya.

Napangisi naman siya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko, "You like it?"

"Uh—O-oo." Honest kong sagot. This time, wala nanag halong echos.

"I also did," nakangiti niya paring wika saka binaling ang tingin niya sa labi ko. Nakita ko kasi 'yung mata niya sa loob ng shades niyang suot dahil sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa.

"Ahh, Remy, bro, 'di pa ba tayo uuwi?" biglang may nagsalita kaya naghiwalay agad ang mukha namin.



Si bespren.



"Nako kase naman!" wika ng bitter kong pinsan habang nakatingin sa'min ng nakaka-loko. "Mag-gagabi na oh. Pero dahil mabait ako, sige maghi-hintay kami. Kiss na kayong dalawa! O-orasan ko kayo ha." Sabi niya pa saka tumingin sa imaginary wrist watch niya.

Tinaasan ko naman siya ng kilay, "Anong kiss ka jan? Na-puwing lang ako 'no. Kaya ganun ang itsura namin," ramdam kong namu-mula ang mukha ko ngayon.


Nakita ko naman si Zenon na patawa-tawa pa.


Ang Echoserang ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon