Echoserang Entry #18

324 19 2
                                    

A/N: Be aware of typos. Pakiintindi nalang po. Thanks!



Remy's POV


Natigilan ako sa sinabi niya. Waaaaaah! Ako na talaga! Kinareer na niya ang pagiging boyfriend niya sa'kin! Siyempre, kilig naman ako dahil sa sinabi niya.

Naalala ko tuloy bigla 'yung nangyari kanina. Nahuli ko siyang nasa loob ng kwarto ko at nakabukas na 'yung kabinet na pinagtaguan ko ng mga collections na may kinalaman kay Zenon.


At ang mas lalo ko pang ikina-sindak, ay nang makita kong lahat ng ito'y nasa labas na! Siyempre, kinabahan ako ng sobra dahil baka sa pamamagitan nun ay malaman na niya ang katotohanan.



Kaya, ano pa nga ba ang magagawa ko? Nag-on na naman kanina 'yung ka-echosan radar ko. Tinanong niya ako kung singer daw ba siya bago magka-amnesia, sinabi ko nalang na 'oo' pero hindi naman siya kuno kasikatan.


Kadalasan kasi sa mga pictures ko sakanya, ay may hawak siyang mic at kumakanta.


Halos mamatay na'ko kanina sa takot at mabuti nalang alerto ako mag-isip.



"Ah alam ko na! Pair nalang tayo para masaya!" muling sabi ni Insan.

Anong pair? Eh, tatlo kami diba? 'Wag niyang sabihing sila ang pair ni Zenon at ako lang mag-isa?


"'Wag mo sabihing--


"Wait. Let me finish." pinutol ni Irish ang sasabihin ko at itinapat niya ang kamay niya sa'kin. "Siyempre, kayo ni Papa Zenon ang pair! Alangan namang ako?' wika niya saka tinuro ang sarili niya. "Couple kayo, diba?" natatawa niyang pa-sarkastikong sabi.


"Eh, ikaw? Sino ang ka pair mo? Magtatawag kaba ng sireno dito? Dugong ano?"


"Tanga! Haha." bigla niyang sabi sabay binatukan muli ako sa ulo. "Anong sireno at dugong ka diyan? Ayun 'yung pair ko, oh!" wika ni Irish saka diretsong tumuro sa dagat.



Naningkit ang mata ko ng makita ko ang isang putng motor boat na papunta dito sa'min. Nabahala naman ako, at baka kung sino na naman ang paunta dito't hinahanap si Zenon!



"S-sino 'yan, Insan?" nag-aalala kong sabi.


"Si Blaize! Himala ha? 'Di mo naba kilala ang motor boat niya? Naku! Nagka-boyfriend kalang diyan, nalilimutan mo na ang bespren mo!"



Oo nga pala, puti ang motor boat ni bespren. Sorry na? Nag-iingat lang 'no. 'Di na ako nagtaka kung bakit siya papunta dito, eh halos araw-araw siyang pumupunta dito eh.


At bilang bespren niya, masaya ako dahil do'n. Pero, napapansin kong iba na siya kung kumilos at pakikitungon niya sa'kin kaya medyo napapaisip ako.

Ang Echoserang ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon