Remy's POV
"Oh, mabuti naman at maaga kayong naka-uwi. Kala ko gagabihin na naman kayong mga bata kayo!" pagbi-biro ni mother nature pagka-baba namin sa motor boat. Agad namang tumulong si kuya Matt at kinuha 'yung ibang dala naming plastic---wait. Correction, dalang plastic nina Zenon at Blaize. Si Seiji naman ay panay ang kalikot sa cellphone niya.
4:30 palang ng umaga ay gising na kami para maaga kaming maka-alis sa bahay nina bespren at sa bayan. Para narin less hassle. Alam mo naman, masyadong kumplikado ang sitwasyon ko ngayon. Yup, sitwasyon ko kase hirap na talaga ako sa pagkubli dito kay Zenon. Nakakahiya naman kasi kung umagang-umaga, ipagshi-shades at hoodie ko pa siya.
Sinundo kami ni Kuya Matt gamit ang motor boat niya. Motor boat kasi ni Blaize 'young ginamit namin---which is missing parin. Haaaaay. Sino naman kayang kumuha nun? Wala man lang siyang awa. Huhu.
"Hehe sorry mama! May sa engkanto kasi 'ata 'yung motor boat ni bespren eh!" sabi ko habang naglalakad kami papuntang bahay.
"Engkanto-engkanto ka jan," saway ni Mama habang kinakamot ang batok, "Matt, anak punta kayo ng bayan mamaya ha? Asikasuhin niyo 'yung biglaang pagkawala ng motor boat ni Pogi. 'Di naman pwedeng hindi magbayad ang gumawa nu'n," medyo iritadong wika ni mama saka pumasok ng bahay at inilapag sa baba 'yung mga pinambili namin.
Nilapag narin ni bespren ang hawak niya saka nagsalita, "Naku tita, 'wag na po. Libre ko nalang 'yun sakanya, hahaha. Basta 'wag niyang pababayaan 'yun." Nata-tawang wika niya.
Somehow napapa-isip ako. 'Di kaya, kaya siya medyo moody kahapon dahil nawawala nga 'yung motor boat niya? No. Scratch that. Kakaiba na ang timpla niya bago kami umalis kahapon eh. Baka naman siguro napi-predict niya ang mga mangyayari sa hina-harap? Kaya siya moody agad dahil alam na niyang mawawala na 'yung motor boat niya soon? Waaaaah try ko kayang magpa-hula sakanya kung anong letter nagsi-simula ang ka-forever ko? Hihi sa 'Z' ' siguro. Ayiieee.
"Zenon, halika ituturo ko sa'yo kung sa'n mo ilalagay mga damit mo," wika naman ni Kuya Matt habang nakasilip sa kurtina ng kwarto niya.
"Okay wait lang bro," wika naman niya saka muling kinuha 'yung mga pinamili naming damit niya na kaka-latag niya lang.
"Ate sa'n kayo galing? Ba't ang tagal niyo sa bayan? Pinagkaguluhan siguro si kuya Zenon 'no?" sunod-sunod na tanong ni Kendra habang tinutulungan ko si mamang ilabas 'yung mga pinamili namin na ini-utos niya.
"Oo naman. Magtataka kapa? Gwapo kasi 'yang si Zenon ko. Hindi katulad ni Harry. Parang may sumpa ni bakekang ang pagmu-mukha!" pang-i-echos ko sakanya. Kung nata-tandaan niyo, super die-hard fan 'yan ni Harry Borrison, ang kalaban ni mylabs pagdating sa kasikatan.
"Hindi ako makakapayag na ginaganyan-ganyan mo nalang basta-basta ang Harry ko!" inis na tugon niya. Napatawa ako ng mahina.
"Talaga nak? Pinagkaguluhan siya sa bayan?" mahinang sabi ni mother earth. Natigilan siya sa ginagawa at halata sa mukha niya ang pagka-gulat.
Pa-simple ko namang kinindatan si mama para ipaalam na ini-echos ko lang 'yung bunso kong kapatid. Napailing na lamang si mama habang isina-sabit sa pako 'yung net na puno ng gulay.
"Kala mo ate 'di ko 'yun nakita?"
"Ang alin?"
"Heh! Neknek mo!" sabi niya sabay walk out. Ang dali talagang mapikon ng isang 'to o'o, pero kahit palagi kong binabara 'yan mahal ko 'yan. Pagkatapos kong tulungan si mama sa kusina ay agad akong pumunta ng kwarto para magpalit ng damit. Pagka-pasok ko ay naabutan ko si insan na busangot na busangot ang pagmu-mukha habang nakatu-tok sa cellphone at naka-upo sa kama namin.
BINABASA MO ANG
Ang Echoserang Probinsyana
HumorAno ang gagawin mo kung mapadpad ang one of the World's Famous Teen Heartthrob sa inyong isla? at hindi pa iyon, nagkaroon ito ng Amnesia! Iti-take mo ba ang advantage at magpapakilala sakanya na ikaw ay GIRLFRIEND niya kahit na isa ka lang naman sa...