Echoserang Entry #4

374 39 10
                                    

Remy's POV



"Z-zenon?!!!" tangi kong nasambit pagkakitang-pagkakita ko sa lalaking nasa harapan ko.



Natigilan ako. Napa-nga-nga.. napaisip. At maya-maya ay..



"Weh?! Hahahahah!" wika ko sabay tumawa.



Ano 'to? Lokohan lang? Siyempre, tutal nananaginip lang ako. Pa'no naman mangyayaring mapapadpad ang katawan ni Zenon dito sa Isla Monica? Eh ang layo kaya namin sa manila!


Pero infairness huh! Mukhang totoo, at kakaiba ito sa mga panaginip ko. Kadalasan kase, napapanaginipan ko ay 'yung mga nakakakilig.

Tulad ng nagpro-prose kunwari sa'kin si Zenon, ki-niss ako o kunwari naman ay kinakasal na kami! Hahaha. Ganun 'yung mga kadalasang napapanaginipan ko.


Pero, iba 'to eh. Hindi ko inaasahang ganito ang itsura ni Zenon sa panaginip ko ngayon.

Maputla, basang-basa at may sugats a ulo! Waaaaaaah! Siguro sa mga oras ngayon ay ligtas ang kalagayan niya! Hindi ito maaari!



Gusto ko nang gumising! Mabilis kong pinisil ang pisngi ko at-"Aray!"

Napa-aray ako dahil naramdaman ko kung gano kasakit 'yung pagkakapisil ko sa pisngi ko.


'Hindi talaga ito maaari! Nananaginip lang ako!'



Mabilis ko namang inabot ang buhok ko at sinabunutan ang sarili ko.



"A-aray!" daing ko ulit dulot ng lakas ng pagkakahila ko sa buhok ko. "Masakit na eh!'



Ito kase ang kadalasang napapanuod ko sa mga clichéd teleseryes sa TV. Ganito ang ginagawa ng mga bida kapag chini-check nila kung nananaginip lang ba sila or hindi na.


P-pero... iba eh. Ba't ba ako nasasaktan?


Nanlaki ang mata ko. I-ibig sabihin, totoo 'to? Hindi ako nananaginip? Waaaaaaaah!!!


Napalingon ako kay Zenon na nasa buhanginan parin at nakahandusay. May nakita akong kwintas sakanyang leeg na may maliit na pendant. Kinuha ko iyon sakanyang leeg at may nakita akong nakasulat dito. Mukhang pangalan ito!


Pumikit muna ako bago tuluyang basahin kung anong nakasulat dito, 'Naku. Lord! Sana kung ano man ang nakasulat dito, sana makumpirma kong si Zenon na nga ito! Please please please,'

Ang Echoserang ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon