Echoserang Entry #11

313 28 55
                                    

A/N: Yay! Sinipag mag-UD guys XD Inabot kase ng ka-echosan ni Remy ang ranking sa Humor category bilang #59 *o* Akalain mo 'yun? Ikaw na Echoserang Babaeng Frog! HAHAHA. Thank you for the support guuuysss~ I Love you all lalo na sa hindi silent reader! :D (pero naa-appreciate ko parin 'yung mga silentXD)

-Paoyanehh :)




Remy's POV


"P-pero h-hindi pwede eh! U-under construction kase ang loob ng k-kwarto k-ko! H-hehehe!" nauutal na palusot ko. "M-may mga f-falling debris d-dito sa loob! G-gusto niya b-bang mahulugan sa u-ulo? S-sige kayo!" tanging nasabi ko.



Waaaaaah! Effective ba pagpapalusot ko? Naku Lord ikaw na pong bahala sa'kin!


Hindi ko hahayaang makita ni Zenon kung ano ang laman at itsura ng kwarto ko! Alam niyo naman kasi, diba?!

Baka kapag nakita niya kung bakit puno ng posters at mga bagay na may kinalaman ang kwarto niya, ay isipin niyang sobrang obsessed ako sakanya!

At siyempre, baka magtaka rin siya kapag nakita niya 'yung picture niya habang siya ay nasa isang concert!


Nai-imagine kong ganito ang posibleng mangyari,


** "Bakit napakarami kong picture dito sa kwarto mo?" nagtatakang tanong sa'kin ni Zenon. "At, anong ginagawa ko dito?" wika niya sabay turo sa picture niya habang nagco-concert siya!

"K-kase ano, Zenon... h-hindi naman talaga ikaw 'yan.. 'yung kalokalike mo 'ya—-

"Artista ba ako dati bago ako magka-amnesia?!"



Natigilan ako sa mga tanong niya at hindi makapagsalita.



"Answer me!!" galit na sigaw niya. "So, sinamantala mo ang pagkakataon na nawala ang ala-ala ko at kaya sinabi mo ring GIRLFRIEND kita! Sorry kana lang dahil bumalik na ang mga ala-ala ko! Aalis na ako sa pamamahay na ito!!!" **



HINDEEEE!!! Hindi ako makakapayag! Huhuhu. Baka bumalik ang ala-ala niya kapag nakita niya 'yung loob ng kwarto ko at baka iwan niya ako dahil baka umalis na siya dito sa bahay namin!

Kyaaaaaaaa! Hindi ko 'yun makakaya! Ilang taon akong nagro-rosaryo araw-araw para mangyaring magkasama kami sa wakas, at first time in history lang nangyari ito!!!


'Lahat ng mga santo at santa sa langit! I'm begging you all! Sana maniwala siya!'



"Hahaha. Are you serious?!" natatawang wika ni Zenon.

"Y-yes." ay ano ba 'yan napa-english na naman ako! "M-manuod nalang kayo ng TV! Hehehe! Oo! Magaganda ang palabas duon!"

"Gusto mo samahan kita Zenon?" malanding wika ni Irish.

"No. Ako nalang ang sasama sakanya ate Irish!" mabilis na wika ni Kendra. "Tara na kuya Zenon? Manuod nalang tayo ng Barbie! Kesa sa pagtuunan pa natin ng pansin 'yang malalanding 'yan!"

Ang Echoserang ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon