Echoserang Entry #6

384 38 36
                                    

Remy's POV


"Ma! Nandito na po kami!" wika ko pagrating namin dito sa bahay.

Nasa likod ko si besrpren, habang nakasakay naman sa likod niya si Zenon.

Nilingon ko si bespren, at halata sa mukha niya na nabibigatan 'ata siya kay Zenon.


"H-hehe. S-sige ihiga muna natin si Zenon sa kama ko," wika ko.

"Sigurado kaba, bespren? Sa kama mo? Pwede namang sa kwarto nalang ni Kuya mo, diba?" naka-kunot noong tanong ni bespren.



Tinignan ko naman si Zenon, na halatang nanghihina parin at medyo kumalat na ng konti sa mukha niya 'yung dugo sa ulo niya.



"Eh! Sa kwarto ko nalang para masaya-I mean, sa kwarto ko nalang para maayos siyang maalagaan! Alam mo na, sanay na ako sa mga ganyang bagay!" pagpapalusot ko.



Biglang bumusangot ang mukha ni bespren at si Zenon naman ay naka-kunot noo lang habang pinakikinggan kami.



"Sa'n kana niyan matutulog? Huwag mong sabihing tabi kayo nito-

"Sige na bespren! Kailangan niyang magamot agad!" pagpuputol ko sa sinasabi ni bespren. "O-okay ka lang ba, Zenon?" tanong kay Zenon.



'Di niya lang ako sinagot dahil hinang-hina na talaga siya. Si bespren kase, eh! Ang arte! Dami pang satsat! Gusto niya 'ata sa kwarto niya sa bahay nila ilagay si Zenon ko! Bakla talagang 'to o'o!


Pailing-iling nalang na naglakad si bespren patungo sa kwarto ko ng may maalala ako.


Nanlaki ang mata ko ng maalala ko 'yung mga posters ni Zenon na nakadikit sa dingding ng maliit na kwarto ko. Idagdag narin natin 'yun mga unan, kumot at iba pang may konekta kay Zenon ko.

Pati narin 'yung real life sized poster niya saka 'yung nakahubad na litrato niya sa kalendryo na nakadikit sa likod ng pintuan ko!


Waaaaaaaaah! Nakakahiya sakanya! Baka kapag nakita niya, sabihin niyang ganoon na lang ako ka-obssessed sakanya! at baka isipin niyang sobrang desperada na akong makuha siya kaya ako 'yung nagpasabog at nagpalubog ng yateng kinasasakyan niya nung gabi ng kaarawan niya! Waaaaaaaaah!


'Di ko alam kung bakit, pero 'yan agad ang pumasok na ideya sa utak ko!


Kaya nag ala 'The Flash' na naman ako sa pagtakbo at mabilis na hinarangan sila ni bespren na papasok na sana sa kwarto ko!



"Waaaaaiiitt!! Teka lang!"hingal na hingal na wika ko habang nakaharang sa pinto ng kwarto ko. "Na-realize ko na tama ka! Doon nalang natin siya sa kwarto ni Kuya Matt patuluyin!!!"




***

Ang Echoserang ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon