Zenon's POV
Gulong-gulo pa ang utak ko sa mga nangyayari ngayon. Pero, salamat sa Girlfriend ko si Remy, at tinulungan niyang ipaalala sa'kin kung ano ako at kung taga saan ako.
At saka ko napagalaman na taga bayan ako. Gusto ko sanang pumunta doon, kung nasaan ang sinasabi niyang bahay namin. Pero, sabi niya wala na daw akong madadatnan doon dahil nasa ibang bansa daw pareho ang mga magulang ko.
Gusto ko man silang makilala agad, ay mas pinili ko munang mamalagi dito sakanila para makapag ipon ng lakas at hanggang sa tuluyan na ngang magamot itong sugat ko sa ulo.
At tutal, Girlfriend ko naman siya at mababait sila sa'kin. Wala akong ibang magawa, kundi maniwala sa mga sinasabi niya.
Dahil siya mismo ang pumu-puno sa na-blanko kong utak. At masaya ako dahil dun.
Tinanong ko rin siya kung sa'n ko nakuha itong sugat ko, sabi niya 'di niya daw alam dahil wala pa naman ito bago ako malunod kahapon.
Kasalukuyang akong nandito sa kwarto kasama ang kuya ni Remy na sa pagkakaalam ko ay si Matt. 'Yun ang tawag nila, eh.
"Pre, ito oh." wika niya sabay inilapag ang mga iilang damit sa kama. "'Yan muna ang mga pansamantalang pwede mong suotin, tignan mo nalang kung kasya sa'yo."
"Thanks." wika ko.
Sa tingin ko, kasya naman siguro 'yungmga damit sa'kin. Nagkasya nga itong suot ko ngayon eh. Sa tantsya ako ay dalawa o tatlong taon lang ang lamang niya sa'kin.
At konti lang naman ang agwat namin sa edad eh, kaya siguro tatawagin ko nalang siya sa pangalan niya at 'wag nang kuya. Nakakailang, eh.
Ang bait nila sa'kin, at dahil sabi ni Remy napalapit narin daw ang pamilya nila sa'kin.
"Pasensya na kung ganitong kwarto at mga damit ang meron kami, ha?" wika ni Kuya Matt at huminto sa paghalungkat sa kabinet.
"Bakit ka naman kuya Matt humihingi ng pasensya? Okay naman dito, ah." wika ko saka pinagmasdan ang loob nitong kahoy na kwarto.
Bakit naman siya humihingi ng pasensya? Okay naman 'tong bahay nila, ah. Tsaka okay naman 'yung mga damit na ipinahiram niya sa'kin.
"Sabagay. Wala ka nga palang maalala. Ah nga pala, hanggang kailan ka dito sa bahay?" tanong niya.
"Hindi ko nga rin alam, eh. Siguro, pansamantalang dito muna ako hanggang sa tuluyan nang mabawi ko ang lakas ko," wika ko saka kumamot sa kilay ko.
Sa totoo nga, hindi ko alam kung sa'n ako pupunta at kung taga sa'n talaga ko, eh. Pero bahala na, sigiradong tutulungan naman ako nila lalo na si Remy.
"Tao po? Insan? Tita? Kuya Matt?" pareho kaming nakarinig ni Matt ng tumatawag na boses babae sa labas.
BINABASA MO ANG
Ang Echoserang Probinsyana
HumorAno ang gagawin mo kung mapadpad ang one of the World's Famous Teen Heartthrob sa inyong isla? at hindi pa iyon, nagkaroon ito ng Amnesia! Iti-take mo ba ang advantage at magpapakilala sakanya na ikaw ay GIRLFRIEND niya kahit na isa ka lang naman sa...