**Plot**
Meet Remy Mendez. Isa sa mga libu-libong fan ng isang sikat na sikat na si Zenon Alvarez. Puro nalang Zenon ang bukam-bibig niya. Mapa damit, notebooks, personal stuffs ay may konekta sa idol na binata.
Kahit sa pagkain ay si Zenon parin ang nakikita niya, dahil maging ang kanyang plato ay mug, ay may mukha ni Zenon. Pati kwarto niya, nasakop narin ng binatang artista.
Idol na idol at the same time crush na crush niya ang binata. At 'di niya maiwasang maikumpara ito sa ibang artista o lalaki, dahil para sakanya, kakaiba si Zenon sa lahat. Kahit sa TV lang nakikita at kahit 'di pa naman niya nakikita sa personal ang idol, dito lang umiikot ang mundo niya!
Hanggang isang araw, habang nasa gilid ng dalampasigan at iniisip ang kanyang idol ay may pumukaw sa kanyang pansin.
Isang bagay na nasa 'di kalayuan! At nang nilapitan niya ito ay nagulat siya dahil ito ay isa pa lang tao!
Basang-basa ito at walang malay na nakahandusay sa gilid ng dagat. Alam niyang lalake ito, at nang iharap niya sakanya ang lalake ay mas lalo siyang nagulat sakanyang nasaksihan!
"Z-ZENON?! ZENON A-ALVAREZ?!! WAAAAAAAAAHHH!!!"
Isa na namang kwento ang siguradong MAGPAPAKILIG...
"Where I am?!"
MAGPAPATAWA..
"Nandito ka sa isla namin,"
"W-who are you? I can't remember anything,"
Na siguradong tatangkilikin niyo ngayong summer! Halina't basahin natin ang istoryang punong-puno ng ka-echosan!
"A-ako si Remy, ANG GIRLFRIEND MO."
-
Ang Echoserang Probinsyana! (SOON)
March 21 2015, all rights reserved.
A/N: Ang Echosera po ay means 'Sinungaling' Okay? Okay.
BINABASA MO ANG
Ang Echoserang Probinsyana
MizahAno ang gagawin mo kung mapadpad ang one of the World's Famous Teen Heartthrob sa inyong isla? at hindi pa iyon, nagkaroon ito ng Amnesia! Iti-take mo ba ang advantage at magpapakilala sakanya na ikaw ay GIRLFRIEND niya kahit na isa ka lang naman sa...