Echoserang Entry #8

327 37 76
                                    

Remy's POV


Gumising ako ng may ngiti sa aking labi. Pa'no ba naman kasi, eh halos 'yung pangarap ko ay natupad na.

Dahil wala na akong hinihiling pang iba, kundi ang makasama si Zenon ko, na ngayon ay nagkatotoo na nga.


Hayst. Gusto ko mang isiping panaginip lang ang lahat ng nangyayari, pero ano bang magagawa ko? Kung sadyang totoo ang lahat ng ito ay masyado lang mabait si God para maagang ipagkaloob sa'kin ang tanging hiling ko sakanya-na halos araw-araw at taon-taon kong ipinagdarasal sakanya.


Pumungas-pungas muna ako bago tuluyan nang nagmulat ang mata ko. Nang biglang nanlaki ito dahil nakita ko si Zenon-na nakatayo pala sa tabi ng kama ko at nakatitig sa'kin!


Waaaaaaaaah!



Mabilis naman akong napaupo, "B-bakit ka nandito Z-Zenon?" wika ko sakanya.



Pero hindi siya sumasagot.



"Wuy," wika ko saka sinundot ko 'yung katawan niya.



At dahil sa lakas ng pagkakasundot ko, ay natumba si Zenon ko-ay mali! 'Yung poster ng Zenon ko!

Naku! Ano ba 'yan! Kala ko totoo talaga siyang nandito na sa kwarto ko, eh. 'Yung real life size poster niya lang pala!



"Hahaha! Loka-loka ka talagang Remy ka!" patawa-tawang wika ko saka binatukan ang sarili ko.



Pinatayo kong muli 'yung poster at saka masayang pumunta sa salamin para ayusin ang sarili ko.

At kahit nasa harap parin ako ng salamin, ay parang baliw na nakangiti parin ako. 'Di ko lang maintindihan, pero good vibes talaga ako ngayon.



"Gising na kaya siya?" wika ko sa sarili ko at nahinto ako sa pagsusuklay.



Mabilis akong lumabas ng kwarto at nakita ko si kuya sa salas nakahiga sa kawayang pahaba at tulog pa ito.

Sa isip ko ay kaya siya dun natulog dahil pinahiram niya muna kay Zenon ko 'yung kwarto niya.


Napangiti ako at saka ipinagpatuloy ang paglalakad ko.

Nang makapunta na ako sa kwarto ay agad ko itong binuksan. Ngunit wala si Zenon sa kama.



Pumasok ako sa loob at sinilip siya sa ibaba ng kama, "Zenon? Nasa'n ka?" wika ko.



Pero wala naman siya sa ilalim nito.


'Sa'n kaya pumunta 'yun?' wika ko sa utak ko. Maya-maya ay nanlaki ang mata ko at napangiti ako ng nakakaloko. 'Baka naliligo?! Hihihi.'

Ang Echoserang ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon