Echoserang Entry #2

803 53 217
                                    

Remy's POV


"Oh ayan! Waaaaa! Ang ganda na ng kwarto ko!" kilig na kilig na wika ko pagkatapos kong ilagay ang nakatayong real life size na poster ni Zenon ko sa tabi ng kama ko!



Inilibot ko pa ang mata ko, at hindi ko talaga maiwasang matuwa dahil nagmistula nang langit ito!

Mula kama, kabinet, unan, kumot, pintuan at dingding ay punong-puno na ng posters ni Zenon! Waaaaaaaah! Kahit saang sulok ako tumingin, mukha ni Zenon my labs ang nakikita ng cute na mga mata ko! Tapos ngayon, mistulang nandito na talaga siya sa kwarto ko dahil sa poster na 'to!

Proud na proud ako sa sarili ko dahil ang sa best acting performance ko kanina kaya matagumpay na naiuwi ko it dito!

Pero sa likod bahay ako kanina dumaan para 'di ako mapansin at 'di makita nina mama na umuwi ako ng ganito dito. Siguradong pagagalitan lang ako ni mama at pagtatawanan lang ako ng dalawa kong kapatid eh!

Iisipin pa nun na nababaliw na ako! Eh, nakakahiya!

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at pi-nlay 'yung isa sa mga kanta ni Zenon na paborito ko.



♪ "Kung mawalay ka sa buhay ko, kung pag-ibig mo'y maglaho.. Paano na kaya ang mundo?" sabay ko sa kanta habang nakaharap sa nakatayong poster ni Zenon at hawak-hawak ang pisngi niya.



Habit ko nang magpatugtog ng mga kanta niya! Nakaka good vibes kasi ang boses ni Zenon ko, eh.

Kaya lang naiinis sa'kin 'yung mga kapatid ko dahil paulit-ulit nalang daw ang pinapatugtog ko. Nakakasuya na raw ang boses ni Zenon ko!

Pero siyempre, wala akong pakialam sa mga sinasabi nila! Para sa'kin, kahit isang milyon ko pang marinig ng paulit-ulit ang mga kanta niya, hindi ako magsasawang pakinggan ang boses niyang ang swabe ng dating sa tenga ko!



*TOK TOK TOK!*


Nakarinig ako ng sunod-sunod na katok kaya natigilan ako.



"Saglit lang My labs ha? Babalik lang naman ako agad," wika ko sa walang buhay na poster saka ki-niss ang pisngi ni Zenon.



Pagkalabas ko ng kwarto ay muling narinig ko ang katok sa pinto ng salas.



"Knock knock!" wika ng pamilyar na boser sa labas.

"Who's there?" sabi ko.

"Si Blaize!" wika nung boses lalake sa labas.

"Si Blaize who?"

"Anong si Blaize who? Papasukin mo naman ako bespren oh!"



Oh my! Haha! Akala ko nakikipag knock-knock sa'kin si Bespren eh! Alam niyo 'yung larong 'yun?


Ang Echoserang ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon