Echoserang Entry #16

238 22 15
                                    


Remy's POV


"Waaaaah! Hindi ko talaga makalimutan 'yung pakikipag-habulan namin sa tigreng 'yun!" intense na kwento ko. "Buti nalang naka-akyat kami ng puno! Tapos nung naka-akyat na kami, naghikayat ng friends 'yung tigre! Kaya naging tatlo sila! Huhu! Diba, Zenon?"



Kasalukuyan kaming nasa sala ngayon. Katabi ko si Zenon sa pahabag upuan, sa harap naman namin si Mama, Kuya, Kendra, Insan at Seiji.



"Ano ba kasing naisipan niyo't pumasok pa kayo sa pinaka-sentro ng gubat na 'yan, ha?" naka-pameywang na sermon ni Mama. "Alam mo namang may mga mababangis na hayop jan, diba? Dapat hindi kayo masyadong lumayo."


"Sayang nagpakain kana sana ate sa mga tigre!" wika ni Kendra saka tumabi kay Zenon.


"Alam mo, kung kasama ka lang namin du'n sa gubat, pinalapa na kita sa mga tigreng iyon!" asar na wika ko sakanya. "Tsaka 'di naman sana kami masyadong nakalayo na dito, eh. Kaya lang nahulog ako—I mean na-enjoy namin masyado 'yung pamamasyal sa gubat!"



Omigosh! Muntikan na'ko du'n ah! Ayaw kong sabihin sakanila na, nahulog ako sa talon lalo na kay Mama. Dahil sigurado, papagalitan ako ng sobra nito! Tsaka baka magsumbong pa kay Papa na nasa Manila. Baka mag-aalala pa 'yung sa'kin.



"Naku, ikaw Insan ah! Duma-da moves ka 'ata para masolo si Papa Zenon, eh!" pang-aasar ni Irish habang nakangiti ng sobra.


"'W-wag kang ano jan, Insan. Hindi mo naman alam ang rason kung bakit kami nagtago sa gubat, eh." naka-pout na wika ko.


Lumapit ako kay Insan at saka palihim na bumulong sakanya, "May mga coast guards kasi na pumunta dito kahapon kaya naisipan kong itago muna siya sa gubat."


"Alam naman namin, eh. Kaya wala kanang dapat na problemahin dahil sinabihan na namin 'yung mga 'yun na wala naman siya dito," bulong naman ni Irish.


"Talaga?" wika ko.


"Oo." patangong wika ni Mama. Narinig niya 'ata kami dahil nasa tabi lang siya ni Irish. "Sige, ipaghanda ko lang kayo ng makakain ni Pogi the 2nd. Mukhang gutom na gutom kayo, eh." wika ni Mama saka umalis patungong kusina.



Bumalik na ako sa kinauupuan ko at napansin kong medyo na-curious si Zenon tungkol sa pinagbulungan namin.



Ibinaling ko naman ang atensyon ka kuya, "Ikaw kuya Matt, ah. May baril ka pala? Pa'no ka naman nagkaroon nu'n?" tanong ko.

Kanina kasi, 'yun ang ginamit niyang pangtakot sa mga tigre para lumayo sa'min. Pero, wala naman siyang binaril na kahit isa sakanila.


Ang Echoserang ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon