Juno POV
"Bilisan niyo! Traffic sa EDSA!" Sigaw samin ni Avianna. Papaalis kasi kami ngayon papuntang Tagaytay. It's 10 in the morning, tirik na tirik ang araw pati na rin 'tong driver namin mainit ang ulo. Aeos helped me loaded the trunk with my things. Nag double check na ako sa kwarto ko. Mahirap na baka mamaya sunog na yung unit ko shet.
Avi used her Hummer H3T pick-up truck. Sumakay na kaming lahat sa sasakyan. Kami ni Vionne at Aeos ang nasa back seat at sa harap naman si Avi, obiviously she's our driver and beside her is Denver. "Oh, sure na? wala ka na bang nalimutan?" Avianna asked me and I nod at her. Ayaw kasi nito ng pabalik-balik. Dumaan kami sa may Sky way dahil ayaw ni Avi sa traffic. Alam niyo naman lumilipad ang kotse sakanya. Buti nalang si Denver na ang nasa harap.
"Teka nga bakit hindi si Aeos ang nag drive?" Tanong ni ver samin. Aeos just shrugged at sumandal sa balikat ko. "Probably tinatamad 'to." Sagot ko. Hindi naman na umagal si Denver. Mabuti na't si Avi ang driver dahil mabilis siya mag patakbo, baka makarating kami ng Tagaytay in less than 2 hours. Dagdag mo pa na nasa express way kami.
I put my earphones on and just play my walkman. Naramdaman ko naman na kinuha ni Aeos yung left earphone at nilagay sa tenga niya. She is peacefully resting on me and Vionne has her own world. Napapagitnaan naming dalawa si Aeos. Si Denver naman ay natutulog sa harap ko. "Ang pangit niyo ka-bonding bakit niyo ko tinutulugan? Patay kayo sakin sa pataas mamaya." Gago talaga kahit kailan 'tong driver namin.
"I don't know why LTO permitted you to drive." I said back that made Avianna laughed. "I'm Avianna Sy. That's why." Ka-yabang talaga, sarap tadyakan. Hindi ko na ito pinansin at natulog na lamang. Mahaba-haba pa naman ang biyahe.
Nasa kalagitnaan akong panaginip ko ng biglang niyugyog ako ng katabi ko. "Juno! Juno! Gising!" Tangina ka Aeos . I glared at her at sabay-sabay naman silang nag tawanan. Pinatay ni Avi ang aircon and opened our windows. Ah, fresh air. Malamig sa Tagaytay, mahamog pa. Buti nalang talaga ay nag dala ako ng jacket. Ready na rin ang mga kasama ko. Mga nakapang ginaw sila. "Saan tayo?" Avi asked us. Hindi ko naman alam 'yung schedule namin; basta alam ko dito kami mag lalaro ng polo.
"Sa place muna tayo ng tito mo, dumating na rin doon sila Trajan." Trajan is Aeos horse. So andoon na pala 'yung mga kabayo namin. I don't think that I can still ride a horse, damn patay tayo d'yan. "Okay boss." Pagka-sabi nito ay bigla niyang binilisan ang pagpapatakbo. "What the fuck! Watch out for the curves!" Sigaw ni Denver na napakapit sa seat belt niya. Nasa matarik na part na kasi kami papasok ng Tagaytay. Natawa naman ako sa reakyon niya.
Told you hindi malabong mag mabilis si Avianna sa Uphill. "You fucking sick woman! Stop the fucking car!!!" Mabilis lang kasing kinuha ni Avi ang pataas kaya lalong natakot si Denver. "Wala pa 'to sa ginawa ni Avianna sa Baguio." Sabat ko na kinatawa nilang lahat. Kaya ayaw namin na si Avianna ang Driver. Maaga kaming mamatay sakanya.
It's 12:02 in the afternoon nang makarating kami sa mansion ng tito nila Avi. The maids greet is with warm welcome. Tinulungan na rin nila kami sa mga gamit namin. "I'm glad that you arrived safely kids." Tito Arkanghel greeted us. Yumakap kami sakanya at nag mano rin. "Come! Mag tanghalian na kayo. I prepared bulalo and other native batangas dish for you kids." Wow, welcome na welcome kami dito. Ang sarap ng ulam. Paborito ko pa.
We took out seat and grab the meals in front of us. Nag short prayer rin at nag simulang kumain. Dinamihan ko ang kuha ng kanin dahil sa gutom ako at favorite ko ang ulam. Ganon rin sila, halata namang hindi gutom 'yung mga 'to 'no? Hahahaha. "Nasa stable na 'yung mga kabayo ng kaibigan mo Avi. Puntahan niyo nalang doon, ask Mang Felipe for the gears at ibinilin ko na 'yon sakanya." Avianna just nod and Tito Arkanghel left. May meeting pa kasi ito sa Makati kaya maiiwan kami dito.
YOU ARE READING
beautiful goodbye (slow update)
RomanceThe unwanted series #1 She became her student, her lover, and her client. But, all she ever wanted is to be hers forever. In this world full of greedy, heartless, and cruel people, would their love be enough for them to survive the waves of life? Th...