CHAPTER THIRTEEN

265 21 2
                                    





Juno POV 



Medyo maaga akong nagising para tumulong kay Sister Ven. Hindi ko na muna ginising si Cali. Andoon siya sa isang kama. Dito kasi kami pinatuloy ni sister sa bakanteng kwarto sa second floor. Buti nalang at may dalawang kama dito. Parang hindi ko kayang makatabi si Calypso. Baka ikamatay ko- joke HAHAHAHA.



Nilisan ko ang kwarto at nag tungo sa kusina. Saktong nadatnan ko naman doon si Mang Pedro na mukhang nag luluto na ng tanghalian. "Good morning po Mang Pedro!" Masayang bati ko dito. Nilakad ko naman ang aking mga mata sa mga nakalagay sa ibabaw ng lamesa. "Bicol Express po?" Tanong ko. At tumango naman si Mang Pedro. Naalala ko tuloy yung pag turo sakin ni Aling Rosa noon sa pag luluto ng Bicol Express. 



"Nakakamiss naman si Aling Rosa." Banggit ko na ikinatigil ni Mang Pedro. Ito kasi 'yung namayapa niyang asawa. Natandaan ko 'non lagi akong nag papaturo kay Aling Rosa sa pag luluto ng iba't ibang pagkain. "Halika, tulungan mo ako dito Juno." Tila pumalakpak ang dalawa kong tenga sa saya. Gusto ko talaga ng tumutulong kahit sa maliit na bagay lang.



Kaming dalawa ni Mang Pedro ang nag luto ng Bicol Express. Pero nag presinta ako na huwag na siyang gaano kumilos at ako na ang bahalang tumapos ng putahe. Kaya pinanuod nalang ako ni Mang Pedro at nag kwentuhan tungkol sa buhay ko sa Manila habang ako ay nag luluto. 



"Buti kinakaya mo ang pag aaral at pag t-trabaho sa syudad, Juno?" Tanong nito sakin habang ako naman ay nag hahalo nang niluluto ko. "Sanay na sanay na po eh, parang wala lang po sakin. Tska extra income rin po." I honestly said. "Scholar ka naman hindi ba? Kailangan mo ba talaga mamasukan sa iba't ibang klase ng trabaho?" Kung alam mo lang mang Pedro. "Hindi po kasi ganon ka kalaki ang scholarship ko, tamang tama lang po siya sa tuition ko at renta ng apartment-" I paused when I needed to add some seasonings. "Medyo magastos po kasi ang med school kaya kailangan po eh." Mahirap pero kailangan kong gawin.



"Bakit hindi ka humingi ng tulong sa tatay mo, Juno?" That caught me off guard. Nabitawan ko ang sandok, na kina-alarma ni Mang Pedro dahil montikan na akong mapaso. "Naku mag iingat ka, Juno. Teka ako na muna d'yan." Wala akong kibo na sumunod sakanya. Lumabas muna ako ng kusina at nag pahangin sa garden.



It's been how many years since I last saw my family. High school pa yata. Well, desisyon ko namang lumayo sakanila and they seemed cool with it. 'Yung ate ko nga minsan lang sa isang buwan kung maka-usap ko. Did they ever care about me? "Ang lalim naman ng iniisip mo." Si Ma'am Sanchez. Hindi ko siya napansin, lagot. Inayos ko muna ang aking sarili bago ko siya harapin.



"Not really." I lied. I never disclose my issues with my family to anyone. Some of my friends know that I have unfinished business with them, but we never talked about it because I don't like that topic. My family is my weakness. But it is also my motivation to keep moving forward. "If you say so." I didn't reply, I just remained silent. "So.. What are we gonna do here?" Oh, I forgot to tell her about my plans.



"Have you ever visited Albay?" Tanong ko, baka kasi mamaya ay naka pasyal na siya rito. But thank goodness, Cali shrugged. "Good, we'll go to Mt Mayon later. Hihiramin ko yung motor ni Mang Pedro." Calypso's face suddenlt become pale. Mukhang she doesn't like the idea of us riding motorcycle. Natawa ako ng mahina. "Promise, I'll be extra careful." I assured her. 



Dumating ang oras ng kainan at kaming dalawa ay nag pasya na pumunta na sa hapag kainan. Pag katapos ay dumiretso na agad ako sa kusina para sana mag hugas ng pinggan, laking gulat ko naman nang dumating si Calypso. "What are you doing here, Cali?" Tanong ko dito. "I came here to wash some plates, why is it wrong to help?" She said that made one of my brow arched. 



beautiful goodbye (slow update)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu