Chapter 1

8.1K 208 93
                                    

"Masakit."

"Huwag ka kasing gumalaw-galaw."

Inirapan ko siya.

"Kapag hindi ako gumalaw sasabihin mo ang tamad-tamad ko."

Kinamot niya ang kaniyang ulo at iritado akong tiningnan. Wala akong ibang nagawa kundi ang umirap muli habang tinitingnan ang kaliwang bahagi ng aking tiyan.

Shoot ang patalim.

"Umupo ka nga! Nahihilo ako sa iyo," pinilit niya akong umupo pero nag matigas ako.

"Ayoko nga! Masakit, naiipit. Mamaya na ako uupo."

Bumuntong hininga siya.

Suko?

Tiningnan kong mabuti sa salamin ang aking tiyan. Naka sara naman na ang sugat, hindi na rin dumudugo. Nakaka pag taka lang dahil kumikirot ito minsan, pakiramdam ko kapag gumalaw ako ng sobra ay mapupunit ang balat ko rito.

"Bakit ka ba kasi umalis," yumuko ako.

"Bumalik naman ako, 'diba?" Hindi ko alam na unti-unti na palang humihina ang aking boses habang kausap siya.

Marahan akong umupo, maingay at suminghap ng kumirot nanaman ito. Tumingala ako habang hinihingal.

Five months.

Five months na ang nakalilipas pero masakit pa rin ang nangyari. Fresh na fresh pa na parang buko sa aking utak ang kung ano ang nangyari noon. Kinagat ko ang aking ibabang labi.

"Hindi ka ba talaga mag papakita sa kanila?"

Umiling ako.

"H-hindi naman sinagot ni Cardan 'yung tawag ko ng araw na 'yun, siguradong hindi rin naman niya ako gugustuhing makita ngayon."

Galit siya sa akin dahil tinakasan ko sila. At galit ako sa kaniya dahil hindi niya sinagot ang tawag ko.

Huminga ako ng malalim, kinurot ko ang likod ng aking palad habang sunod-sunod na kumurap habang nag iisip.

Pinagmamasdan ko ang sarili mula sa salamin. Humaba ang buhok ko, pumayat ng kaunti ang aking mukha at namumutla ang balat ko dahil sa hindi pag labas ng condo niya. Hindi rin ako tumangkad, wala namang masyadong nag bago sa mukha ko.

"Malaki na si Caspian," doon na ako tuluyang natahimik ng banggitin niya ang pangalan ng bata.

Palagi niya 'yang sinasabi sa akin, palagi sinasabi ni singkit na malaki na raw si Caspian. Na nakakakita na ang bata. Anong gagawin ko? Gusto niyang bigla na lang ako roon sumugod?

Baka mamaya paluhudin pa ako ni Cardan.

"Oh, edi okay," kunwari wala akong pakialam, kunwari hindi ko sila iniisip, k-kunwari hindi ko mahal ang bata.

"Manhid ka ba talaga?" Tumayo ito mula sa kama. Tiningnan niya ako ng may galit sa mga mata. "Kapag pinag patuloy mo ang ganiyang ugali mo ay hindi ka na tatanggapin pa ni Cardan."

Umiwas ako ng tingin. Ayos lang kahit hindi na niya ako tanggapin, ang gusto ko ay sana makita ko ang bata kahit isang beses. Kahit ipagtabuyan pa ako ni Cardan, wala akong pakialam. Kahit sana bigyan niya ako ng isang pag kakataon na makita at mahawakan ang bata ay okay na sa akin.

Ako na mismo ang lalayo sa kanila.

Tumayo siyang muli, kumunot ang noo ko ng matapakan niya ang laylayan ng bedsheet. Muntik na siyang matumba, mabuti na lang ay napahawak siya sa mesa.

"Tanga," bulong ko na mukhang narinig naman niya. Masama siyang tumitig sa akin.

"Binabalaan na kita, Rian. Kapag hindi ka pa rin nag pakita sa kanila, ako na mismo ang mag tuturo sa kaniya kung nasaan ka."

His Ruthless Obsession: The Final TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon