Chapter 12

1.5K 34 4
                                    

Pangalawang araw ko na ng pag babalik sa pag aaral. At hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik.

Kinakabahan na talaga ako.

"Huwag ka sumimangot, hindi bagay sa iyo." Hindi ko pinansin ang sinabi ni Nathan.

Umupo siya sa kaniyang pwesto, kaagad niyang inilabas ang cellphone at nakita kong nag laro ng kung ano sa cellphone. Sunod-sunod ng dumating mga kaklase namin, sunod ay si Marissa, nginitian niya ako bago umupo sa tabi ko. Sumunod naman 'tong si Granada.

"Oh bakit naka simangot ka rin?" Tanong ni Nathan, hindi siya sumagot, umupo na muna siya at sumandal.

"Parang gusto mag hamon ng away ang Mañago na 'yun."

"Hayaan niyo na siya, mapapa-trouble nanaman tayo. Sayang kagwapuhan, sira ulo naman," bumulong si Marissa.

Gwapo nga 'yung Jax Mañago, mukhang anak-mayaman din, maputi ang balat, makinis pero may mga peklat nga.

"Anak raw 'yun ng tatakbong politiko, kinakahiya nga eh, paano'y nagkaroon ng issue dun sa dati niyang school, nakipag away, dalawa pa nasa ospital, muntik na rin niya banatan 'yung babae," bumulong na rin si Nathan.

Hindi na ako naki sama, nakikinig lang ako pero ang atensyon ko ay nasa libro. Nag mumukha tuloy silang mga chismoso at chismosa, napapa tingin ibang classmates namin na pumapasok.

"Anak ng tatakbong politiko? Hindi kaya't siya 'yung anak ng Mañago na nag karoon ng bagong asawa?"

"Bago pa man lang maka takbong politiko marami na 'yun issue, sa kaniya yata nag mana 'yang si Jax."

Nagulat ako ng biglang kumalabog ang pinto, nanlaki ang mga mata ko ng makita ang pag pasok ni Jax. Binalibag niya 'yung pinto, nasira iyon at natanggal, bumagsak sa sahig.

"Ayan na siya!"

"Tumawag kayo ng guard!"

Nag si-atrasan ang iba naming kaklase, napa tayo naman itong nasa paligid sa akin. Ang isa niyang bag ay naka sabit sa kanang bahagi ng balikat, matulis ang tingin niya sa gawi namin, naka kuyom na ang mga kamao na parang handa ng makipag away.

"Don't you fucking compare me to that bastard!" Sigaw niya.

Napa tayo ako ng bigla siyang sumugod, bigla niya akong tinulak, natumba ako at lumagapak sa sahig.

Arouch.

"Rian!"

Lalapit sana si Marissa para tulungan ako pero kaagad na nahila ni Jax ang kwelyo niya.

"Bitawan mo ako!"

"Babae 'yan, pre!"

"Bitawan mo, gago!" Mabilis na sinuntok ni Nathan si Jax, hindi siya bumagsak pero mabuti na lang at nabitawan niya si Marissa.

Tumakbo siya palapit sa akin at tinulungan na akong maka tayo, lumayo kami roon pero hinabol siya nitong lalaki.

"I don't like being compared to that son of a bitch!" Napa atras kami.

"Bakit ako?! Hindi naman ako nag kekwento!"

"Marissa," sinenyasan ko siyang huwag ng mag salita.

Lumingon si Jax kay Nathaniel at bumawi ng suntok, nag takbuhan na ang iba kong kaklase.

"Babae 'yang pinapatulan mo!" Sinuntok siya muli ni Nathaniel, doon na siya bumagsak, umibabaw sa kaniya ang lalaki at muling sumuntok.

"Nathaniel, tama na!" Hinila ko siya pero hindi siya nag patigil.

"Suntukin mo pa! Lakasan mo-- gago, hindi dyan! Nathan-- tanga, sa gilid dapat!" Nag taka ako sa narinig, dahil sa sobrang inis ko ay nilapitan ko si Granada ay binatukan ko siya.

His Ruthless Obsession: The Final TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon