Chapter 16

1.5K 32 7
                                    

Nasa likod kami ng room. 'Yong room na sira. Medyo tahimik nga, halos mga puno pa ang nakapaligid sa amin kaya medyo nababahala ako.

May naririnig naman ako na kaunting ingay, kaya lang ay galing pa 'yon sa malayo. Huminga ako ng malalim at nilingon si Jax na nakatalikod, nakatayo lang siya na para bang nagiisip pa sa gagawin. Nilingon ko ang paligid, walang chocolate or kahit ano.

Ano'ng ibibigay niya?

"Ano 'yon?" Pagsira ko sa katahimikan.

Lumingon siya sa akin at kaagad kong nabungaran ang mukha niya. Mukha siyang bad boy, pero mukha rin siyang inosente at the same time. Parang nag mix 'yong itsura niya. Kakaiba ang reaction ng mukha niya pero iba rin naman ang reaction ng mga mata niya.

Hindi pa siya nagsasalita kaya napakunot ako ng noo. Marahan ko siyang pinagmasdan. May problema ba 'to sa bahay nila?

"I need to ask a favor." Sabi niya sa mababang tono, umangat ang kilay ko.

"Need or want?"

"What?"

Bahagya akong napangisi.

"Gusto mong humingi ng pabor o kailangan mo ng pabor?"

Siya naman ngayon ang napaangat ng kilay. Mas lalo akong napatawa. Huminga ako ng malalim at umupo sa isang putol na puno, kinuha ko 'yong isang stick at pinaglaruan 'yon bago ko ilapat sa lupa.

"Kailangan. I honestly don't want it, I just need it."

"Ano ba 'yon?"

"Gusto kitang imbitahan sa bahay ngayong linggo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"At bakit naman?! Hindi ka pwede mag-invite basta-basta ng babae sa bahay, 'no!"

Inirapan niya ako kaya napaawang ang labi ko. Siya na nga ang humihingi ng pabor siya pa itong malakas ang loob na tarayan ako.

"It's not what you're thinking." Umupo siya sa kabilang putol na puno. "Kailangan kong magpakilala ng tao kay dad para hindi na niya ako ilipat ng school. Just to prove that I already have a nice friend."

Ngumuso ako sa kaniya.

"Lalaki dapat, baka mamaya kung ano pang isipin ng dad mo. Bakit hindi na lang si Mat? Or kaya si Nathan, or si Granada?"

Umiling siya sa akin, yumuko siya at kinuha ang ilang bato roon sa ibaba. Pinanood ko kung paano niya 'yon pinaglaruan sa kaniyang kamay.

"No. I don't trust them." Sabi pa niya na parang bata.

"So you're trusting me? What makes you think that you can trust me, Jax?"

Tamad niya akong tiningnan.

"I'm not thinking that I can trust you, I just have a feeling that you won't ruin me in front of my father."

Kinagat ko ang aking labi, bigla ulit siyang umiwas ng tingin. 'Yong mga galawan niya ay para bang tamad na tamad siya. Na para bang wala siyang gana sa kahit na ano. He's still a child, kahit pa matanda lang ako sa kaniya ng kaunti. Pero nakikita ko na mayroon pang mas batang version sa kaniya.

Kitang kita ko rin ang pagod sa mga mata niya. Para bang ilang gabi na rin siyang walang tulog. Halata mo rin na hindi siya kumakain ng ayos, medyo maputla pa ang kaniyang itsura.

"Hindi ako magaling humarap sa mga taong hindi ko kilala. Ilang oras ba?" Napatingin siya sa akin.

Nakita kong medyo nabuhayan siya pero kaagad din bumalik sa dati ang reaction niya.

His Ruthless Obsession: The Final TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon