Chapter 8

2.5K 90 15
                                    


Author's Note: Hi! I am very sorry if I took too long on updating this novel, I am very busy with something else, so please forgive me (⁠╥⁠﹏⁠╥⁠). Anyway, here's chapter 8, this one's a bit short pero sana okay lang sa inyo. Ps. this is not edited.



Kahit na hindi ako naka kain ng ayos ay naligo pa rin ako katulad ng sinabi ni Zion. Mabuti na lang ay mayroong dinala na damit ang mga katulong kaya hindi na ako nahirapan pa lumabas ng banyo. Simple lang naman 'yung damit, kulay puti na shirt at shorts na pang ilalim. Hindi na ako nag abala pa na ayusin ang sarili ko.



Umupo ako sa kama, halos dalawang oras ako nag hintay sa pag balik ni Cardan, pero wala pa rin siya. Wala akong ingay na naririnig, masyadong nakaka bingi at hindi ko gusto ang pakiramdam na ito. Bumuntong hininga ako at tumayo, hindi ako nag dalawang isip na lumabas ng kwarto. Sumilip ako at nakita ang isa pang kwarto sa dulo ng hallway, medyo naka bukas 'yun kaya nag taka ako.



"Tawagan niyo ako kung aalis na si Cardan."



"Yes, sir."



Narinig ko ang boses ni Zion sa hindi kalayuan, kinagat ko ang ibabang labi, hindi ko maialis ang tingin ko sa kwarto na 'yun.



"And another thing, tell me anything na nakikita at nalalaman niyo rito. That Rian girl sounds so familiar."



Kumunot ang noo ko, ano namang pakialam niya sa buhay ko? Napa rolyo na lang ang mata ko.



Naku, kung hindi ka nga lang pogi. Mas pogi pa sa iyo si C--



Huminto ako sa tapat ng pinto, halos masilaw ako sa kulay ng kwarto, halos mapapikit ako at alam kong mukha akong muntanga dahil sa reaksyon ko. 



Juskong mahabaging langit!



Pakiramdam ko ay kahit na anong oras ay sasabog ang kwarto na ito.



Kulay asil na dingding, kulay asul na mga gamit, kulay asul na cabinet, ganun din ang kurtina, ang isang maliit na sofa, pati carpet and mesa, lalo na ang crib. Pinagmamasdan ko 'yun.



Kulay asul ang crib pati na ang rocker nito. Humakbang ako papasok, sa crib na 'yun ay sumilip ako, umawang ang labi ko at napa titig sa bata na ngayon ay naka higa at mahimbing na natutulog.



Maputi ang bata, malalaki ang braso at hita, maging ang pisngi, matangos ang ilong nito at itim na itim ang manipis na buhok, maging ang damit na suot niya ay kulay asul.

His Ruthless Obsession: The Final TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon