Chapter 11

1.6K 41 2
                                    

"Zion?" Pag agaw ko sa atensyon niya.

Salubong ang kilay niyang lumingon sa akin, naka hawak pa rin siya sa manibela ng kotse. Mukhang kanina pa siya naiirita sa akin.

"Ano?" Ay naiinis nga.

Kakaiba ang tono niya, feeling ko hindi maganda ang gising ng lalaki, maitim pa ang ilalim ng nga mata niya na parang kulang sa tulog. Kung magalit naman 'to, akala mo naman kasalanan kong hindi siya maka tulog ng maayos.

"Ano kasi..." Napa kamot ako sa batok.

Gumawa siya ng ingay sa bibig at muling humarap.

"Ano ba kasi? You're calling me every minute pero hindi ka naman nag sasalita," nakita ko ang pag irap niya. "Kung natatae ka, bahala ka sa buhay mo. Malapit na tayo sa school, alangan naman bumalik pa tayo."

Napa ngiwi ako sa sinabi niya.

"Hoy! Sinong nag sabing natatae ako?" Ako naman ang nairita, napa kamot ako sa ulo at inirapan din siya.

Naku, huwag na huwag niya akong idadamay sa init ng ulo niya, hindi rin maganda ang gising ko.

"You're making faces and it's funny. Now talk, anong sasaihin mo?"

Kinagat ko ang ibabang labi bago napa yuko at muling humarap sa kaniya.

"Ano kasi--"

"Ano ka ng ano! Aanuhin kita diyan, don't test my patience, Rian. Kung mainitin ang ulo ni Cardan ay mas mainitin ang ulo ko."

Sumimangot ako.

"Feeling ko kasi tinakasan na ako ni Cardan," napa hinto ang kotse, nagulat siya sa sinabi ko at sakto namang nasa tapat na kami ng school.

"What?"

"Sabi ko feeling ko tinakasan na ako ni Cardan, halos isang linggo na siyang hindi umuuwi." Napa buntong hininga ako.

Tinaguan na yata ako ng anak ng lintik na 'yun.

"Bakit naman ganiyan ang iniisip mo?" Nata himik ako. "Cardan is in business trip, kasama niya ang baby, alam niyang hindi maaasikaso rito ang bata since nag aaral ka na ulit at babantayan kita."

Bigla yatang nag pantig ang tainga ko.

"Ano? Ano kako? Babantayan mo ako? Anong akala niyo sa akin, bata? Matanda na ako, hoy!"

Umirap nanaman siya na para bang babaeng may dalaw.

"Basta 'yun ang sabi niya, just shut up and wait for them. Uuwi rin sila."

Eh, baka mamaya umuwi 'yun ng may babae.

"Eh paano nga kung--"

"Bumaba ka na nga, kung ano-anong iniisip mo. Bumaba ka na at dumiretso sa room mo."

"Oo na, ito na. Salamat sa pag hatid." Bago pa ako maka baba ay narinig ko ang sinabi niya.

"Labag 'yun sa loob ko." Tiningnan ko siya at inangatan ng kikay, ganoon lang din ang ginawa niya sa akin.

Kapal ah, edi sana hindi niya ako hinatid, takot lang naman siya kay Cardan kaya napipilitan siya.

Hindi na ako nag paalam, pag baba ko ng kotse ay pumasok kaagad ako sa gate. Habang nag lalakad ay nakikita ko ang ilang mga estudyante na napa tingin sa akin. Siguro ay nakikilala pa ako ng iba, naaalala pa yata nila ang mukha ko.

Hindi ko na 'yun pinansin pa. Nag lakad ako sa hallway hanggang sa makarating sa room. Napa ngiti ako ng madatnan sila roon.

"Nandiyan na siya!"

His Ruthless Obsession: The Final TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon