Chapter 6

2.5K 87 15
                                    

Wala akong magawa kundi ang mag lakad nang mabilis at pilit na sinasabayan ang kaniyang pag hakbang, malalaki at mabibigat ang pag galaw ng paa niya na para bang galit na galit talaga.

Ang kaniyang malaki at mainit na kamay ay mahigpit na naka hawak sa aking pulsuhan habang kinakaladkad ako papasok ng mansion. Matagal-tagal na rin pala simula ng makita ko ito, ngayon na lamang ulit ako naka tuntong sa pamamahay niya. Ngunit wala na akong oras pa para tingnan ang buong paligid.

Bumungad sa akin ang tahimik na bahay ngunit magulo, sa sahig ay nakikita ko ang mga laruan na pambata.

Laruan?

"Bitawan mo ako-- Cardan nasasaktan ako!" Sigaw ko, hinahampas at pilit na inaalis ang kaniyang kamay mula sa akin, pakiramdam ko ay kahit na anong oras ay madudurog na ang aking buto dahil sa kaniya.

Napapa tingin sa amin ang iilang mga kasambahay dahil sa mga kaluskos na ginagawa naming dalawa.

Tiningnan ko siya, ramdam na ramdam ko ang galit niya sa akin, namumula ang kaniyang tainga, namumula ang buo niyang mukha, lumalabas ang veins niya sa kamay at leeg. Habang tumatagal ay hindi ko maiwasang hindi kabahan.

Hanggang ngayon ay nandito pa rin ang epekto na ibinibigay sa akin ni Cardan.

Hindi siya nag sasalita hanggang sa tuluyan niya akong hinila papunta ng second floor, pumasok kami sa isang pamilyar na pinto, humawak ako sa dingding upang hindi niya ako tuluyang mahila sa loob.

"A-ayoko! Iwanan mo na lang ako kahit saan," lumunok ako. "H-huwag lang sa kwarto."

Lumingon siya sa akin, napaka laking words ang isinisigaw at ipinapakita ng kaniyang mga mata.

Una ang galit.

Pangalawa ang pangungulila.

At pangatlo ay ang pag nanasa.

Wala akong makita na kahit na anong kalungkutan sa mga mata niya, at hindi ko maintindihan kung bakit para bang nabibiyak ang puso ko habang tinitingnan siya.

"Cardan..." Namumuo na ang luha sa aking mga mata.

Natatakot ako, nanginginig ang katawan ko habang kaharap siya. Masyado siyang malakas kaya hindi ako maka alis mula sa kaniya.

Parang naiihi ako sa sobrang takot.

"And now you're acting like a scared little rat." Namamalat niyang saad, umaangat at baba ang aking dibdib sa nararamdaman.

"Bitawan mo ako, please... nag mamakaawa ako."

"I want to hear you beg for me in that fucking room, Rian."

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang sinasabi niya pero mas lalong nadagdagan ang takot na nararamdaman ko. Kulang na lamang ay sumigaw na ako ng malakas dahil sa takot ko sa kaniya.

Kinagat ko ang aking labi, biglang umigting ang panga niya. Nawala ako sa sarili ng marahas niya akong hilahin papasok, bigla niyang ni-lock ang pintuan, bumagsak ang katawan ko sa kama.

Napa upo ako nang mabilis, balak ko sanang tumayo at tumakbo pero nasa harapan ko na kaagad siya. Ang mga mata niya ay pagod na pagod, pero hindi iyon halata sa kaniyang katawan, ang kamay niya ay ngayong naka hawak na sa kaniyang belt.

Napa atras ako.

Jusko po, ano namang balak ng isang ito.

"H-hindi..." Umiling ako. "Hindi pa ako kumakain, pwede ba munang humingi ng biscuit?"

Bigla siyang napa kunot noo dahil sa aking sinabi.

Bumuka ang bibig niya at akmang mag sasalita ngunit kaagad namin narinig ang pag iyak ng isang bata sa labas ng kwarto, sabay kaming napa lingon sa pinto.

His Ruthless Obsession: The Final TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon