Bhie ang tagal nakatambak ng Chapter 15 ko, nakalimutan ko lang i-publish, june 28 ko pa pala dapat to in-update nabulok lang siya sa folder ko lol.
Next month ulit ang next chapter, di joke lang haha.
Pag dating ko sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto, naligo lang ako at nag palit ng damit. Hindi ko pinansin si Cardan na naka sunod lang sa akin, sinaraduhan ko siya ng pinto. Hindi naman pwedeng hanggang sa paliligo ko ay papanoorin niya ako, ano?
Hindi na ako nag ayos pa, dumiretso ako sa kwarto niya kung nasaan ang crib ng baby. Napa ngiti ako ng makita si Caspian. na mahimbing na natutulog, malaki at namumula ang pisngi nito, kulay asul ang suot na damit maging ang mga laruan niya.
"Hello, sorry kung late na umuwi si mommy," mahina kong bulong habang marahan na hinihimas ang hintuturo kong daliri sa pisngi niya.
Naka tayo ako at bahagyang naka yuko para maabot niya, ang bango-bango ni Caspian, baby na baby ang amoy. Mukhang alagang-alaga ni Cardan, kahit yata lamok ay ayaw niyang madapuan ang bata.
"Galit nanaman sa akin ang daddy mo," bumuntong hininga ako. "Gusto kong humingi ng tawad sa inyong dalawa pero hindi ko alam kung paano. Sorry, baby, hindi ako naging mabuting ina sa iyo, alam ko hanggang ngayon hindi pa rin ako mabuting ina. Pero mag susumikap ako."
Mas lalo akong yumuko, inilapit ko ang ulo ko sa kaniya, at dahil ayaw ko namang magising ang bata ay dinampian ko ng magaan at mabilis na halik ang kaniyang pisngi at noo, tumayo ako ng tuwid.
"Matutulog na si mommy, huwag ka pasaway, ah?"
Tumalikod na ako, pero halos mapatalon ako sa gulat ng makita si Cardan na nanonood sa akin sa may pinto, naka sandal siya sa door frame habang naka krus ang mga kamay niya sa kaniyang dibdib.
"K-kanina ka pa?" Gulat kong tanong pero hindi siya sumagot.
Napa lunok ako, pasimple akong napa tingin sa orasan. Ten na ng gabi, gusto ko na sana matulog at mag pahinga pero mukhang galit pa rin itong si Cardan. Humakbang siya palapit sa akin, napa atras ako, akala ko kung anong gagawin niya pero napa pikit na lang ako ng maramdaman ang pag kulong niya ng katawan ko sa kaniyang mga braso.
Isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang dibdib, inamoy ko siya bago ko ipinikit ang aking mga mata.
"Sorry," mahina kong bulong.
Hindi na siya nag salita pa, hinawakan niya ang likod ng ulo ko at hinalikan ang aking buhok.
"Please don't do that again, mag message ka sa akin kapag gagabihin ko, I will always fetch you." Mahinahon at kalmado ang boses niya, wala na ang bakas ng galit. Napa hinga ako ng malalim.
"Hindi ko na uulitin, sorry talaga."
"It's okay, matulog ka na. Ihahatid kita bukas."
Tumango ako, sa huling pag kakataon ay niyakap niya ako ng mahigpit, hinalikan niya ang noo ko bago hinayaan na maka alis ako ng kwarto. Mukhang pare-parehas kaming pagod, alam kong kulang pa ang sorry na iyon, gagawa na lang ako ng paraan para maka bawi sa kaila.
Dumiretso ako sa kwarto, kaagad na nahiga, wala pang ilang minuto ay natagpuan ko na ang sarili ko na malalim ang tulog.
"Huh? Akala ko umalis ka na?" Pag baba ko ay mukha kaagad ni kuya Eros ang bumungad sa akin.
"Why? You don't want me here?" Narinig ko ang lungkot sa boses niya.
Bumaba ako habang hawak si baby Caspian, nakita ko ang pag babago ng reaksyon niya, mabilis siyang nag lakad palapit sa amin, tinitigan niya ang bata bago mapangiti.
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession: The Final Touch
Romance"If I could just claim you every day. If I could just grave my last name on your thighs, I would, Rian." Obsessed and disquiet CEO. God of wealth and god of loyalty. Rian Stewart accidentally entered Cardan's first and last touch... again. PART 2