Chapter 3

5.2K 146 77
                                    

Wow. Hypebeast.

Sa totoo lang ay mukha akong tanga sa damit ko pero wala na akong pakialam pa. Mas mag mumukha akong tanga kung makikita nila ako at tatanungin kung bakit ba limang buwan na akong hindi pumapasok. Huminga ako ng malalim at inilagay ang kulay dark blue na cap, inilagay ko na rin ang malaking black na sunglasses.

Mukha akong tutubi.

Malaki rin ang suot kong kulay caramel na pants, malaki naman ang suot kong kulay dilaw na polo shirt, sneakers na pag mamay ari ni singkit, pinatungan ko rin ang damit ko ng malaking kulay itim na hoodie. Pwede na siguro ito, hindi naman masyadong mainit ngayon, para na rin handa ako kapag bumuhos ang ulan.

"Singkit, handa na ako."

Pumunta ako sa sala, tumayo siya ngunit tumigil din at sandaling napa titig sa akin, bahagyang nag dugtong ang kaniyang kilay habang pinag mamasdan ako mula ulo hanggang paa.

"What the hell is that? Mukhang nasobrahan ka sa pag disguise."

"Sinulit ko na syempre, para naman hindi na talaga nila ako makilala. Tara na, nag hihintay na si Sir Papa White."

Napa iling na lamang siya, dala ang susi ay mabilis siyang nag lakad at naka sunod naman ako sa kaniyang likuran. Nice, first time ko na lang ulit lalabas ng bahay. Sayang naman, hindi nila makikita kaputian ako. Dumiretso kaagad kami sa loob ng kotse, at habang nasa byahe ay tahimik lang kaming dalawa.

"Ano ba talagang plano mo? Itutuloy mo ba o hindi?"

Napa kamot ako sa aking ulo.

"Doon na nga natin pag usapan, kung itutuloy ko ay itatanong ko pa ang mga dapat gawin, at kung hindi naman..." Wala naman sa akin ang bata kaya makaka pag focus ako, pero mahihirapan talaga ako. "Basta!"

"Anong basta? Dapat ay may sagot ka na bago pa pag usapan doon, pinatatagal mo ang sitwasyon," rumolyo ang mga mata ko dahil sa naging masungit niyang pag sagot.

"Nahihirapan pa nga ako, pag iisipan ko na muna roon. Siguradong bibigyan naman nila ako ng time."

"Hindi lahat ng tao ay mag a-adjust para sa iyo, Rian. Sana ay hindi ko 'yan kinakalimutan."

Bumuntong hininga ako, I get it. Hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin dahil sa ginawa ko, alam kong hindi niya pa rin ako napapatawad doon at tanggap ko naman 'yun. Nahihirapan siyang tingnan ako sa tuwing naaalala niya ang ginawa kong pag takas at pag iwan sa bata.

Tama nga sila.

Palaging nasa huli ang pag sisisi.

"We're here, ayusin mo 'yang itsura mo. Mas lalo ka nilang pag tatawanan."

Binuksan ko ang pinto ng kotse at lumabas na, ngunit sa pag hakbang ko pababa ay natapakan ko ang laylayan ng suot kong pants dahilan para mawala ako sa balanse at matumba, at dahil mabato ang sahig ay napa ngiwi ako sa sakit. Tumama ang palad ko roon, nahirapan pa akong tumayo dahil sa suot ko.

"Para ka kasing tanga." Iritadong saad ni singkit.

Tinangka niyang lumapit sa akin, pero bago niya 'yun magawa at aksidente siyang napa tapak sa isang bato, nakita ko ang pag tagilid ng kaniyang ankle, katulad ko ay bumagsak din siya sa sahig at napa ngiwi naman ang kaniyang mukha.

"Para ka rin tanga, alam mo ng napakaraming bato sinubukan mo pang lumapit." Umirap ako, nang maka bangon ako ay siya naman ang aking tinulungan.

"I was just going to help you, idiot." Inayos niya ang kaniyang damit at inalis niya ang kamay ko mula sa kaniya. Huminga ako ng malalim, naka tingin na ang ibang estudyante sa amin.

His Ruthless Obsession: The Final TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon