Chapter 9

3.1K 99 23
                                    

Ilang beses na 'to.



Gabi-gabi ay ulit-ulit lamang ang nangyayari. Nakaka takot, pero nasanay na rin ako.



Nagigising ako sa isang madilim na parte ng lugar, naka tayo sa isang malamig at magaspang na sahig. Ang suot kong hospital dress ay hindi sapat para  mawala ang lamig at panginginig na nararamdaman ko.



Bawat pag hinga na ginagawa ko ay ang pag lingon na rin sa paligid, nararamdaman ko ang mga matang naka masid.



Lumuhod ako, pinag dikit ko ang kamay at itinapat sa aking bibig, pumikit ako ng mariin.



"M-may anak ako... may mahal ako, nakikiusap ako, huwag mo akong sasaktan." Dinig na dinig ang panginginig sa boses ko.



Naaalala ko pa ang marurumi at maka salanan niyang kamay sa balat ko, nararamdaman ko pa rin ang nakaka diri niyang pag haplos at pag hagod sa akin. Wala akong magawa kundi ang sumigaw ng malakas at humingi ng tulong. 



Sinubukan kong bumalik...



Bumukas ang mga mata ko ng makaramdam ng presensya sa aking tabi, kumurap naman ako. Hindi ako nag kakamali, may tumutulong luha sa pisngi ko. Hinawakan ko 'yun, akala ko ay umiiyak ako, pero luha 'yun ng kung sino.



"I love you, please, don't escape from me again..." Isang mahinang boses ang nag bigay kiliti sa tainga ko.



Bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko, hindi ako gumalaw.



Si Cardan!



Pero bakit ganito ang amoy niya? Hindi naman siya mabaho, pasikreto ko siyang inamoy. Amoy alak siya, mahinit ang balat niya ganon na rin ang labi niya pati ang palad niya na parang nakaka paso.



Umiiyak siya sa tabi ko. Kinagat ko naman ang aking ibabang labi, nasanay na rin ako dito. Nagigising ako tuwing gabi, palagi siyang lasing at umiiyak sa tabi ko, nag sasalita siya, bumubulong at umiiyak na para bang kinakausap niya talaga ako.



Pero sigurado naman ako na tuwing umaga ay hindi na niya naaalala ang mga ginagawa at sinasabi niya tuwing gabi.



"Rian..." Muli siyang bumulong.



Ano ba 'yan, 'yung kiliti mula sa tainga umabot hanggang sa tiyan ko.



Kakaiba talaga ang kamandag ng lalaking 'to. Hanggang ngayon ay may epekto pa rin siya sa akin. Pero hindi ibigsabihin 'nun ay magiging malambot ako ulit para sa kaniya. Dapat palagi kong aalalahanin na nandito ako para kay Caspian, gumawa kami ng deal para sa bata at hindi para sa kaniya.



Pinigilan kong mag salita ng humagod ang kamay niya sa tiyan ko.



Parang awa mo na, lord. Ilayo nito ang lalaking 'to sa akin.



Mas nagulat ako ng ang labi niya ay dumikit na sa aking leeg pataas sa pisngi ko. Tumataas ang balahibo ko dahil sa kaniya.



Isa lang ang naisip kong paraan.



Hindi ako nag dalawang isip na sampalin ang pisngi niya.



"Ang kati," bulong ko.



Sinampal ko ang pisngi niya, ibinaling ko ang aking ulo sa gilid. Nag kunwari ako na nangati dahil sa lamok na nangangagat.



"Fuck." Napa mura siya at naramdaman ko naman ang pag layo niya sa akin.



His Ruthless Obsession: The Final TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon