STILL NOT EDITED, SO SORRY FOR GRAMMATICAL ERRORS AND SPELLINGS. Thank you! Enjoy!^^
Hindi ako mahinto sa pag kagat sa sarili kong kuko.
Kanina pa ako hindi makalma, alam kong isang araw na ang naka lipas simula noong maka usap ko si Sir Verpes, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin matahimik ang ang kaluluw-- ah, este ang isip ko. Kinakabahan ako sa kung ano ba ang kaya niyang magawa.
Wala naman si singkit para mayroon akong maka usap, at para kahit papano ay kumalma ang sarili ko. Ngayon naman ay sarili ko ng labi ang aking kinagat, naka upo lamang ako sa kama, hindi ko magawang kumain ng tanghalian, paano'y isang araw na rin hindu umuuwi si singkit.
Naubos na pala ang mga de-lata na pagkain dito, last na can na ang kinain ko kagabi, wala na rin stock na tinapay o kahit na anong biscuit, mayroong kanin pero walang ulam. Nararamdaman ko na ang sobra kong pag kagutom lalo na sa pagiging tense.
Muli akong tumayo, tumakbo papunta sa kusina, mabilis kong binuksan ang refrigerator, wala na rin mga pagkain, wala kahit isang meat or gulay.
"Kainis! Nakalimutan kong sabihin ba kailan na niya mag grocery," iritado kong saad, pumadyak ako at napa kamot sa aking ulo.
Nakaka pag taka lamang dahil noong inihatid niya ako rito pauwi ay umalis din siya, hindi siya umuwi kahapon, hindi rin siya umuwi ngayon, walang kahit na anong sign galing sa kaniya. Alam kong busy siya sa trabaho niya pero, umuuwi naman siya para sa akin.
"Anong nangyari..." Mahina kong bulong at muling napa kamot sa aking ulo.
Bumuntong hininga ako at umupo sa upuan, uminom na lamang ako ng tubig at napa hawak sa tiyan, nagugutom na ako, kaunting barya lamang ang naiwan dito, at saka wala rin naman akong alam na tindahan malapit dito.
Ipinikit ko ang aking mga mata, isinandal ko ang aking ulo sa mesa at ipinahinga ang isip.
"Nasaan ka na singkit."
Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon ay nagulat ako ng biglang marinig ang pag bukas ng pinto, nanlaki ang mga mata ko, mabilis akong tumayo, gumuhit ang malaking ngiti sa aking labi. Tumakbo ako papunta sa kaniya.
"Singkit! Saan ka galing?! Hindi mo ba alam na kanina pa ako nagugutom? Halos ilang oras na rin ako hindi kumakain, naka limutan ko rin kasi sabihin na kailangan mo na mag groce--"
Natigilan ako, medyo napa atras pa. Nanghihina siya ng isara niya ang pinto, humarap siya sa akin pero hindi niya ako tiningnan sa mga mata.
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession: The Final Touch
Romance"If I could just claim you every day. If I could just grave my last name on your thighs, I would, Rian." Obsessed and disquiet CEO. God of wealth and god of loyalty. Rian Stewart accidentally entered Cardan's first and last touch... again. PART 2