"Rian, mag usap tayo!" Sigaw niya pag baba ko ng kotse.
Pero hindi ko siya tiningnan, dire-diretso akong pumasok sa loob, binati pa ako ng ilang maids pero hindi ko iyon pinasin.
"Rian!" Sigaw niya sa likuran, tumakbo ako hanggang sa makapasok.
"Saraduhin niyo pinto!" Utos ko sa dalawang babae, nag taka sila pero sinunod din naman nila ako.
"Fuck!" Dinig kong pag mumura niya mula sa labas.
Napa hinga ako ng malalim, napa hawak ako sa dibdib, sumandal ako sa pinto at napa ngiti ng kaunti. Pero napa simangot din ng maalala na mayroon nga pala siyang kasamang babae.
"I heard what happened," halos mapatalon ako ng maka rinig ng boses sa gilid.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang lalaki na naka upo, aliw na aliw na naka tingin sa akin, naka ngisi pa siya. Tinitingnan niya ako na para bang wala siyang kasalanan sa akin.
"Hayop ka, Eros!" Nilapitan ko siya at inambahan ng suntok pero kaagad niyang nasalo ang kamay ko.
"Relax, hindi lang ako nag pakita sa iyo nawala na ang respeto mo sa akin."
"Paano pa kita rerespetuhin eh pinabayaan mo ako?!" Pinipilit ko pa rin siyang suntukin pero mahigpit niyang hinawakan ang dalawa kong kamay para pigilan ako.
Tumawa naman siya.
"Hindi kita pinabayaan, okay? Pina hanap kita, hindi lang ako naka uwi since I was very busy, but trust me, I spent a large amount of money just to find you."
Huminahon ako, lumuwag ang pag hawak niya sa akin at tiningala ko siya. Naka suot pa siya ng suit, maayos ang buhok niya, naka brush up, mukhang bagong ligo, fresh na fresh.
"Bwisit ka," inirapan ko siya.
Tumawa lang siyang muli.
"Come here, I miss you."
Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit, sumubsob ako sa mabango niyang dibdib. Hindi ko maiwasan na mapayakap na rin sa kaniya ng mahigpit. Na miss ko rin siya, kuya ko pa rin siya, nagalit talaga ako, akala ko hindi niya ako hinanap, 'yun pala tahimik lang na gumagawa ng paraan.
"Nakipag away ka raw?" Tanong niya, naka yakap pa rin sa akin.
"Hindi ah, nadamay lang."
"Bakit may pasa ka riyan sa braso?"
"Nadamay nga lang, nadaganan ako."
Akala ko maaawa siya sa akin, mas lalo lang niya akong tinawanan. Ano bang klaseng kapatid to.
"Let go of her." Natigil ang pag da-drama ko ng mayroong humila sa bag ko, napa atras ako at napa bitaw kay kuya Eros.
"Relax, Grimaldi. I was just hugging my sister."
"Fuck off." Galit na sabi nitong hinayupak sa likod ko.
"Bitawan mo ko!" Pinilit kong alisin ang kamay niya sa bag ko pero hindi niya ako binitawan.
At dahil bag lang naman ang hawak niya, hinubad ko iyon, naka takbo ako. Narinig ko ang pag sigaw niya sa pangalan ko pero hindi ako lumingon, tumawa lang ang sira ulo kong kapatid.
Dumiretso ako sa kwarto ko at sinara iyon. Naupo ako sa kama habang hinihingal. Umuwi na nga siya, may kasama namang babae. Ang hayop na 'yun, nag dala pa ng kabit.
Hindi naman kami mag asawa?
Eh, basta! Kabit pa rin 'yun.
Hindi rin naman kami mag jowa?
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession: The Final Touch
Romance"If I could just claim you every day. If I could just grave my last name on your thighs, I would, Rian." Obsessed and disquiet CEO. God of wealth and god of loyalty. Rian Stewart accidentally entered Cardan's first and last touch... again. PART 2