Hindi ko alam kung panaginip lang iyon.
Pag gising ko ay wala na siya sa tabi ko, mag isa lamang ako rito sa kama kaya naman napapa isip ako kung nandito ba talaga siya kagabi at sinabi ang mga salitang iyon. Umupo ako sa kama at napa pikit.
Katulad kahapon, nanghihina pa rin ang katawan ko ngunit pakiramdam ko ay mas lalong lumala ang nararamdaman ko ngayon. Kinagat ko ang aking labi at tumayo, napa hawak ako sa mesa sa gilid ng makaramdam ng kaunting pag kahilo. Isang buong araw akong hindi kumain, wala ng laman ang aking tiyan.
Hinawakan ko ang pinto, nagulat ako ng hindi na iyon naka lock. Kaya naman hindi na ako nag dalawang isip pa na buksan iyon, bumungad sa akin ang pamilyar na hallway. Hindi ko alam kung saan ko ba talaga balak pumunta pero gusto kong maka alis dito.
"Saan na nga ba iyon..." Bulong ko sa aking sarili, ilang buwan akong nawala kaya para bang naka limutan ko na rin ang bawat sulok ng mansyon.
Hindi ko na pinansin pa ang mga mababanggaan ko, mabilis akong nag lakad pababa, ang aking mata ay naka focus sa kusina, bago pa man ako mapunta roon ay natigilan ako ng mabangga ang isang matigas na dibdib ng kung sino.
Tumingala ako, ngunit kasabay nito ay ang biglaang pag bagsak ng aking katawan subalit kaagad niya akong nasalo gamit ang malalaki niyang braso.
"Who the fuck is she?" Tanong ng hindi pamilyar na boses.
"Sir! Nandiyan na po pala kayo-- ay jusko, si Ma'am Rian!" Nag papanic na sigaw ng isang kasambahay
"Rian?" Nag tatakang tanong ng lalaki na may hawak sa akin.
Kaagad niya akong binuhat at inilapag sa sofa, kumuha naman ng tubig ang isa pang kasambahay at ipinainom iyon sa akin, nang bumuti ng kaunti ang aking nararamdaman ay bumalik sa normal ang aking paningin at nilingon ang lalaki.
"She looks pale, kailan pa siya nandito?"
"Kahapon lang po siya dumating kasama si Sir Cardan."
"Kumain na ba siya?"
Kinamot ng kasambahay ang kaniyang sariling batok.
"H-hindi ko po alam."
Hindi pamilyar ang lalaki na ito.
Matangkad siya, malaki ang pangangatawan, mukha siyang isang turkish na lalaki, malalim ang mga mata niya, matangos ang ilong, ang boses niya ay kasing lagom ng kay Cardan. Kahit anong pilit kong pag titig sa kaniya ay hindi ko talaga siya mamukhaan.
"What's her name?"
"Rian, Sir. Siya ang ina ni Caspian."
Nang banggitin iyon ng kasambahay ay hindi siya naka galaw, naka titig lamang siya sa akin pero walang pag babago sa reaksyon niya. Mag sasalita sana siya pero bigla akong tinawag ng isa pang kasambahay, tumayo ako at maingat na pumunta sa kusina.
Umupo ako at nag simula ng kumain pa, habang kumakain ay nararamdaman kong naka titig siya sa akin, hindi na ako nagkaroon pa ng oras na makaramdam ng pagka ilang dahil nagugutom na talaga ako.
Lumunok ako at hinarap ang isang babae.
"Sino po siya?"
"Siya po si Zion Precious, pinsan niya si Sir Cardan. Nandito siya simula ng ipanganak si Caspian, siya rin ang nag aalaga sa bata habang wala ka, Ma'am Rian."
Kumunot ang noo ko.
Precious?
Siya ba ang tinutukoy ni Cardan kahapon?
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession: The Final Touch
Romance"If I could just claim you every day. If I could just grave my last name on your thighs, I would, Rian." Obsessed and disquiet CEO. God of wealth and god of loyalty. Rian Stewart accidentally entered Cardan's first and last touch... again. PART 2