Panot.
Mayroon siyang buhok sa gilid at likod, ngunit sa pinaka tuktok ng kaniyang ulo ay wala akong nakikita na kahit na anong buhok. Pero in fairness, maputi at makinis ang kaniyang anit. Pakiramdam ko nga ay mas maputi pa ang anit niya kumpara sa tuhod ko.
Mahigpit kong hinawakan ang walis at tinitigan siya ng masama, naka suot siya mg kulay itim na polo, mayroong mahabang sleeves, naka black pants din siya, mayroong salamin sa kaniyang mga mata at nakikita ko ang papeles na kaniyang mga hawak.
"Sino ka?!" Sigaw ko sa harapan ng kaniyang mukha.
Sana lang ay hindi tumalsik ang laway ko, hindi pa naman maayos ang pag toothbrush ko kanina.
Umangat ang makapal niyang kilay, bahagya niyang ibinaba ang kaniyang glasses at pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Kung maka titig naman ito, akala mo ay napaka perpekto, kulang naman ang buhok.
"Tangina, sabi ko sino ka?!" Muli kong inihanda ang walis at lakas loob siyang tinitigan.
"Manners, Miss Stewart." Aba'y ang lalim pala ng boses ng isang ito.
"Sino ka? Pano mo nalaman ang apelyido ko?"
"Before I answer your questions, pwede bang paki baba na muna ng walis na hawak mo? Napaka baho, ano bang nililinis mo? Tae ng baboy?"
Aba!
"Hoy! For your information, alikabok lang ang nililinis ko. Hininga mo lamang yata ang naaamoy mo, malapit ang bibig sa ilong."
Kumunot ang noo ni panot at biglang umiling.
"Allow me to introduce myself, my name is Papa White Delgado. Ako ang inyong bagong head teacher, at nabalitaan ko na halos ilang buwan ka na raw na hindi pumapasok, tama ba ako, hija?"
"Papa White? Iyon ba ang pangalan mo, sir?"
"Yes, bakit? May problema ka sa pangalan ko, Miss Stewart?"
Umawang ang aking labi, seryoso ba talaga? Papa White ang pangalan niya? Hindi ba siya nakikipag biruan sa akin? Sino naman kasing matinong magulang ang magpapangalan ng ganiyan sa anak nila? Sabagay, bagay naman 'yung pangalan niya sa kaniyang itsura.
Pero wait, mukhang bata pa siya. Mayroon siyang itsura sa totoo lang, maganda ang kulay kape niyang mga mata, maganda rin ang kaniyang katawan at tindig ngunit hindi mo lamang talaga maiiwasan na huwag mapansin ang pagiging panot niya.
"Five months ka ng hindi pumapasok at gusto ko lamang tanungin kung nais mo pa bang ipag patuloy ang pag aaral mo, hija? If yes, pwede kang pumunta sa school bukas ng hapon and we can talk about it with your guardian, and if no, pwede ka naman mag drop out."
Kumurap ako at napa iwas ng tingin. Hindi ko alam kung ipag papatuloy ko pa ba ang pag aaral ko, tinataguan ko si Cardan, umiiwas ako sa mga kaibigan ko, hindi naman ako sigurado kung maintindihan ba nila ang sitwasyon ko. Pinag diin ko ang aking labi at bumuntong hininga.
"Ano pong mangyayari once na mag drop out ako?"
"Uulitin mo ang year na ito, ngunit possible na mangyari iyon ay next year pa para naman makapag adjust."
Suminghap ako at pasimpleng kinagat ang aking ibabang labi. Wala kasi talaga akong ideya kung tutuloy pa ba ako, hindi ba't si Cardan ang nag gastos sa akin para lang makapag eskwela? So sigurado ako na once na mag patuloy ako sa school ay malalaman niya iyon, at kahit na anong oras or araw ay malalaman niya kung nasaan ako.
"Wait, paano mo nalaman na dito ako naka tira ngayon?"
Mayabang siyang tumingin sa akin, ngumiti siya na parang aso, nagulat pa ako ng makita ang kulay pinto niyang pangil sa may kaliwang bahagi. Wow, pati pala ngipin nagiging ginto na rin.
"Simple lang, isa akong responsable at mabait na guro, pinupuntahan ko ang lahat ng mga inactive kong students sa kung saan man sila naka tira, at hindi imposible na malaman ko ang address nila."
Napa ngiwi ako, that's nice and weird at the same time. Tumitig naman ako sa ibaba.
"Pwede bang pag usapan natin ito bukas? Hindi ako makapag isip ng ayos eh, baka aksidente ko pang maitanong ang tanong na hindi ko dapat banggitin."
Tumagilid ang kaniyang ulo, itinago niya ang kaniyang kamay sa kaniyang likuran.
"What is it? Tanungin mo na ngayon para hindi mo na tanungin pa bukas."
Huminga ako ng malalim, tinitigan ko siyang mabuti, ngayon ko lamang napansin ang maliit niyang nunal sa dulo ng kaniyang matangos na ilong. Gwapo siya, makikita mo iyon kapag tinitigan, pero may mali talaga sa itsura niya na hindi ko maipaliwanag.
"Bakit ka panot?"
Bigla siyang napa ubo, nanlaki ang aking mga mata at biglang nag panic, hinawakan ko ang kaniyang likuran at marahan iyon na hinimas.
"Ayos lang po ba kayo?"
"Obviously, no. Hindi iyan tanong ng isang estudyante, hindi ko alam kung ano mali sa inyo. Palagi niyo na lang pinapansin ang pagiging panot ko."
Nakaramdam naman ako ng guilt.
"Pasensya na, sir. Kitang kita po kasi eh, pansin na pansin din. Hindi mo ba kayang takpan 'yan?"
"I can, pero wala akong time para gawin iyon. So, it's nice to meet you Rian Stewart. Let's just talk about this tomorrow afternoon, and please bring a parent or a guardian. Goodbye."
"Bye, sir, ingat. Baka liparin iyang mga natitira mong buhok."
Naramdaman ko ang inis niya, so bago pa man siya maka harap sa aking muli ay mabilis kong isinara ang pintuan, isinandal ko ang aking likod doon at huminga ng malalim, napa hawak pa ako sa aking dibdib.
Ngayon ay kailangan kong maka usap si singkit tungkol dito, pupunta ako sa school bukas, ngunit kailangan kong mag suot ng damit kung saan mag mumukha akong misteryoso, at kung saan ay hindi nila ako makikilala. Kailangan kong mag tago, mahidap na kapag nakita ako ng mga kaibigan ko, wala akong takas sa kanila.
Kinuha ko ang walis at inilagay iyon sa dating pwesto, umupo naman ako sa sala at tinitigan ang kalendaryo. Limang buwan na akong wala, kung tutuloy man ako sa klase, siguradong mahihirapan ako, kailangan kong pag aralan ang mga lessons na nalagpasan ko. At kung tutuloy ako sa pag pasok, pwede naman siguro na home school lang ako, ano?
Iyong tipong, bibigyan na lamang nila ako ng booklets, ng mga tests, quizzes and books kung saan nandoon naka lagay ang lahat ng lessons at mga dapat sagutan.
Kinagat ko ang aking labi, napakamot na lamang ako sa aking pisngi habang patuloy na nag iisip.
Siguro ipag patuloy ko na lamang ulit ang pag aaral, medyo boring na rin dito, wala akong ibang ginagawa kundi ang mag linis, kumain at matulog. Kailangan ko naman igalaw ang katawan ko, baka pumanaw.
Kailangan kong pumunta sa school bukas.
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession: The Final Touch
Romantizm"If I could just claim you every day. If I could just grave my last name on your thighs, I would, Rian." Obsessed and disquiet CEO. God of wealth and god of loyalty. Rian Stewart accidentally entered Cardan's first and last touch... again. PART 2