Pag pasok ko ay nandiyan na silang lahat. Nandiyan na rin ng iba naming kaklase, napa lingon ako sa pwesto ni Jax. May band aid na mga sugat niya, hindi siya naka polo, kulay puting hoodie ang suot niya, bahagyang naka subsob ang mukha sa mesa na parang natutulog.
Tumingin naman ako sa mga kaibigan ko. Mukhang pagod na pagod sila, si Marissa ay tahimik na nag aayos ng kilay, wow. Ganiyan na pala ang masakit ang katawan.
Si Matthew naman ay naka krus ang mga braso sa dibdib, siya ang unang nakapansin sa akin, nginitian niya ako. Tiningnan ko naman si Granada. Hinang hina ang loko.
"Bakit namumula 'yan?" Tanong ko pag upo, tumuturo sa tainga niya.
"Pinitik daw ng mama niya, nag sinungaling ang gago hindi na ginawang kapani-paniwala," asar na sagot ni Marissa. Tiningnan ko ulit si Granada na tahimik lang.
Natakot yata sa mama niya.
Tiningnan ko silang muli ng mapansin na may kakaiba.
"Nasaan si Nathan?" Nilingon ko ang kambal niya.
"He won't attend today, biglang nilagnat." Umangat ang dalawa kong kilay.
"Ay siya? Dalawin namin after class." Tumango lang siya bilang pag sagot, nginitian niya ako ulit bago ituon ang atensyon sa ibang bagay.
Tahimik kaming lahat dahil sa nangyari kahapon, wala din si Nathaniel kaya naiwasan ang ingay, walang kaaway ngayon si Granada-- speaking of the pasabog, tahimik din siya, namumugto pa ang mga mata.
Aruy, napa galitan.
Akala ko nga ay bukas pa dadating si Sir Vesper, nakakagulat ng pumasok siya. Halata ang pagod sa mukha niya, magulo ang itsura, parang nag madali lang sa pag balik. Mahina at medyo walang buhay ang boses, hindi nga rin niya pinapansin ang ibang naming mga kaklase na hindi nakikinig.
"Anong ginawa ni Sir?" Pasimple kong bulong kay Marissa.
"Ewan ko nga rin, kahit naman nandito 'yan sa school parang lagi pa rin busy, tutok na tutok pa rin sa cellphone."
"Baka may girlfriend na?" Sumingit ai Granada.
"Eh? Paano si Yuri?" Kumibit balikat na lang siya.
Bumuntong hininga ako at sumandal sa upuan, pinilit ko na lang mag focus sa pinag aaralan. Natapos ang klase, kaagad kong hinugot ang phone sa bulsa ng palda ko ay hinanap ang name ni Cardan.
Mag papaalam ako. Baka mamaya mabuhay nanaman ang halimaw sa loob niya.
To Cardan:
Late ako makaka uwi, dadalawin ko 'yung friend namin na may sakit.Wala pang ilang minuto ay nag reply siya.
From Cardan:
Where? I'll fetch you.Hindi ko na siya nireplyan, okay naman na 'yung nag paalam ako. Atleast kapag ginabi ako nasabi ko naman na ang reason.
Vacant kami kaya napaka boring, walang ginagawa ang iba naming kaklase, nag iingay lang sila, mga feeling highschool.
Humikab ako, napa pikit pa at may lumabas na luha sa mga mata ko.
Napa kunot ang noo ko ng maka rinig ng tunog ng camera mula sa harap, inayos ko ang sarili ko pero huli na ang lahat. Mabilis na ibinaba ni Granada ang phone niya at ngumiti ng malapad.
"Hoy, delete mo 'yan!" Pinilit kong agawin sa kaniya ang phone pero mabilis siyang naka iwas.
"Epic! Send ko 'to kay Nathan!"
"Gago ka! Delete mo sabi 'yan!"
"Delete mo na," mahinahon na nag salita si Matthew. Gusto ko sana siyang batiin ng 'good morning' pero huwag na, masamang biruin ang bagong gising.
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession: The Final Touch
Romance"If I could just claim you every day. If I could just grave my last name on your thighs, I would, Rian." Obsessed and disquiet CEO. God of wealth and god of loyalty. Rian Stewart accidentally entered Cardan's first and last touch... again. PART 2