Masama ang loob ko kay Rex Mañago. Kung alam ko lang na gano'n ang mangyayari ay sana pala hindi na ako pumayag sa pakiusap ni Jax.
Ngayon ay naiintindihan ko na rin kung bakit malayo ang loob niya sa kaniyang tatay, walang preno ang bibig. Wala siyang pakialam kahit pa alam niyang makakasakit siya sa kaniyang sinasabi. Wala siyang pakialam kung sino ang nakikinig, wala siyang pakialam sa kung sino ang mga kaharap niya, sasabihin niya ang mga gusto niyang sabihin.
Kinagat ko ang aking ibabang labi habang pinagmamasdan ang papalayong sasakyan ni Jax. Hindi ko na alam pa ang ihaharap kong mukha sa kaniya, narinig at nalaman naman niya ang totoo, ngayon ay hindi ko na alam pa ang iisipin niya.
Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko pagkapasok sa loob.
"Kain na po, ma'am." Pagsalubong sa akin ng kasambahay.
Pagtingin ko sa kaniya ay medyo nagulat pa siya sa itsura ko. Sino bang hindi? Pulang pula ang pisngi at ilong ko sa kakaiyak, 'yong make-up ko sa mata ay paniguradong kumakalat na.
"Salamat po, pero hindi muna ako kakain. Sorry po."
Humihingi ako ng tawad dahil nag abala pa sila magluto kahit hindi naman ako kakain. Pero kapag pinilit ko naman kasong kumain ay sigurong isusuka ko lang naman ang mga 'yon. Nginitian niya na lang ako at hindi na nagtanong pa.
Kaagad akong naglakad papunta sa kwarto, hindi ko pa nararamdaman ang presensya niya kaya ibigsabihin ay wala pa siya rito, maging ang iyak ni Caspian ay wala pa rin. Huminga ako ng malalim at kaagad na nagpalit ng damit, hindi na ako naligo, pakiramdam ko ay magkakasakit ako. Kaagad kong hinugasan ang aking mukha, ngunit habang ginagawa 'yon ay muli kong naalala ang mga sinabi ni Rex kanina.
Ibang klaseng lalaki. Ganoon ba ang tatakbong pilitiko? Napaka insensitive niyang tao, kung hindi lang siguro 'yon tatay ni Jax ay baka sinagot-sagot ko na siya. Pero kahit 'yon ang balak kong gawin ay pakiramdam ko hindi ko pa rin magagawa, kapag na trigger kasi ako sa isang bagay ay nawawalan na ako ng boses.
Lumunok ako ng maramdaman muli ang pagtulo ng aking luha, medyo namumugto na ang mga mata ko, habang naghuhugas ng mukha ay narinig ko naman na bumukas na ang pinto. Kinabahan ako.
Naramdaman ko kaagad ang presensya niya.
"Rian." Napalunok ako ng marinig ang boses niya.
"A-ano?" Sagot ko.
Narinig ko ang pagkatok niya sa pinto ng banyo.
Kinabahan akong muli. Mabilis na tumibok ang puso ko, ayaw kong makita niya na ganito ang itsura ko. Pero siguro ay hindi naman niya binuksan ang ilaw ng kwarto, hindi niya naman siguro ako maaaninag.
"Ano'ng ginagawa mo?"
"N-nagpapalit lang damit, gagamitin mo ba?" Mas lalo akong nagpanic.
"You can take your time, I can wait."
Kinagat kong muli ang akong labi. Nagmamadali kong pinunsan ang aking mukha gamit ang towel, inayos ko ng kaunti ang aking sarili at huminga ng malalim. Naka ilang lunok ako ng laway habang nakatingin sa sarili kong repleksyon.
Okay lang 'yan, Rian. Hindi niya mapapansin.
Binuksan ko na rin ang pinto at nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang sarado nga ang ilaw ng kwarto, madilim at ang tanging nagbibigay ng liwanay ay ang ilaw mula sa banyo na nasa likuran ko.
Nakita ko siyang nakaupo sa kama habang nakapatong ang kamay sa kaniyang hita, kasalukuyan niyang tinatanggal ang kaniyang relo.
"T-tapos na ako, gamitin mo na."
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession: The Final Touch
Romance"If I could just claim you every day. If I could just grave my last name on your thighs, I would, Rian." Obsessed and disquiet CEO. God of wealth and god of loyalty. Rian Stewart accidentally entered Cardan's first and last touch... again. PART 2