Chapter 4

2.7K 69 11
                                    


I'm back! Here's the chapter 4. And if you guys want to ask me some questions, you should message me on my real account (Kris Norbeth Ilan) so I could answer it properly. Thank you and enjoy!:)



Hindi.



Imposible.



Naalala ko noong huling pasok ko sa school ay hindi na rin pumasok si Sir Vesper. Hindi na rin siya sa amin nag pakita, kasabay noon ay wala na rin paramdam sa amin si Yuri. Kahit presensya o anino ay wala na rin.



Ghoster.



Hindi ko alam kung ano rin ba talaga ang nangyari sa kanila ngunit sigurado ako na mayroong namamagitan sa kanilamg dalawa. Siguro ay iyon ang dahilan kung bakit umalis sa trabaho si Sir Vesper. Ngunit ngayon na bumalik siya... hindi kaya't tapos na sila ni Yuri? 



Break na ba sila?



Nag kasawaan na ba sila sa isa't isa?



"Rian."



"Ano?"



Tiningnan ko siya, nandito kami ngayon sa isang room ng school. Kakatapos lamang nila mag usap nung panot na teacher, hindi na ako pumasok kanina sa usapan nila, ang sabi ay ang guardian na raw ang mag dedesisyon since sayang ang opportunity.



"Siguro naman ay next week pwede ka na mag simula ulit?"



Kumibit balikat ako, pinag laruan ko ang aking mga daliri.



"Siguro, paano mga gamit ko? Uniform?"



Tinitigan niya ako mula taas hanggang ibaba. 



"Pumayat ka, mukhang kasya pa naman sa iyo ang uniform, ako na bahala sa mga gamit mo. Siguruhin mo lang na titino ka ngayong school year, kapag hindi mo inayos ay iiwan na talaga kita riyan sa kalye." Seryoso niyang saad kaya naman napa iwas ako ng tingin.



Masyado na akong pabigat sa kaniya, oras na siguro para mag trabaho ng kaunti. Para naman mayroon akong maitulong sa kaniya kahit na papano. Kinagat ko ang aking ibabang labi at sandali na napa isip. Nakita ako ng mga kaibigan ko kanina, sinubukan nila akong habulin ngunit mabilis akong naka takbo at naka tago.

His Ruthless Obsession: The Final TouchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon