Sinasabi ko na nga ba.
Nagiging sweet lang talaga siya kapag lasing. Pinanood ko siyang dinaanan lamang ako sa aking harapan. Nakatingin siya sa kaniyang watch na para bang nagmamadali. Sa likod niya ay nakasunod si Zion, nagtaka pa ako ng makita kong hawak niya si Caspian.
"Aalis kayo?" Lumapit ako sa kanila at sandaling sinilip ang natutulog na baby, marahan kong hinawakan ang kaniyang pisngi at ginawaran ng halik sa kaniyang noo.
"Yes, Cardan decided to bring Caspian with him. Ako na ang sasama." Sagot niya, walang gana at para bang inaantok pa.
Napakagat ako sa ibabang labi.
"Ako?"
"Cardan said nothing about you, ikaw na bahala sa gusto mo gawin ngayong araw. It's sunday, right?" Inangatan niya ako ng kilay.
Sandali akong napalingon ulit kay Caspian, per hindi rin nagtagal ay tinalikuran na niya ako. Tumingin din ako kay Cardan na lumabas na ng bahay. Wala man lang paiwan na salita sa akin. Ang simpleng paglingon o pagngiti ay wala man lang akong natanggap.
Nitong mga nakaraang araw ay dinadaan-daanan niya lamang ako na para bang hangin. Hindi ko alam kung bakit ba hindi na lang ako masanay. Simula noong mawala ako ay ganito na talaga ang trato niya sa akin. Pero hindi ko naman siya masisisi.
Huminga ako ng malalim ng makaramdam ng kirot sa puso. Pinilit kong alisin 'yon sa aking isipan at napapikit ng mariin, napatingin naman ako sa aking phone ng bigla 'yong tumunog at lumabas ang hindi pamilyar na numero.
From Unknown:
I'll pick you up later at five pm, dress presentably.
Si jax 'to. Saan naman niya nakuha ang number ko?
Muntik ko ng makalimutan na linggo pala ngayon. At ngayong araw mangyayari ang napag-usapan namin. Iginugol ko ang oras ko sa paglilinis ng kwarto, at nang makapagpahinga na ako ng hapon ay kaagad akong naligo at nag-ayos.
Tumitig ako sa closet. Inilibot ko ang aking tingin upang maghanap ng masusuot. Hindi naman nakawala sa mga mata ko ang isang shirt dress. Pinaghalo 'yong kulay pula at itim, ang haba ng sleeve nito ay hanggang braso lamang, 'yong laylayan naman ay mahaba hanggang sa itaas ng aking tuhod.
Kaagad kong kinuha ang isang pulang doll shoes na bumagay naman sa suot ko. Sunod kong inayos ang aking mukha, simpleng mascara at powder lang ang nilagay ko at ang light na lipstick sa aking labi. Iyong buhok ko ay itinali ko paitaas upang malinis tingnan. Kumurap-kurap pa ako habang pinagmamasdan ang aking sarili sa salamin.
Mukhang mas malinis naman pala ako tingnan kapag ganito ang ayos ng buhok ko kitang kita ang features ng aking mukha. Kinuha ko ang isang sling bag at muling binuksan ang phone.
From Jax:
Nandito na ako sa tapat ng mansion mo, nasaan ka na?
Sinave ko na 'yong number niya para hindi na ako malito, pero anong sabi niya? Napaawang ang labi ko at napakunot ang aking noo. Paano naman niya nalaman kung saan ako nakatira?! Iyon nga ang iniisip ko kanina, kung saan niya ako susunduin, eh wala nga akong sinabi kung saan ako nakatira.
Mabilis akong lumabas ng kwarto, tumakbo na ako pababa at nakita kong nagulat pa sa akin ang isang maid ng makita ako.
"Ganda mo naman, ma'am Rian. Saan ka po punta?"
Napakamot ako sa aking batok.
"Ah, lalabas lang po kasama mga kaibigan ko. Kung sakali man pong dumating sina Cardan ng mas maaga, pakisabi na babalik din ako."
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession: The Final Touch
Romantizm"If I could just claim you every day. If I could just grave my last name on your thighs, I would, Rian." Obsessed and disquiet CEO. God of wealth and god of loyalty. Rian Stewart accidentally entered Cardan's first and last touch... again. PART 2