CHAPTER 1

137K 2.4K 347
                                    

NAGLALAKAD ako ngayon sa malawak na kalsada alas kwatro nang madaling araw. Nagsisimula naring magsibukas ang mga tindahan. Ang tunog nang iilang sasakyan ay naririnig ko narin. Nakakarelax yung ganitong pakiramdam. Walang gulo, walang kahit anong makikita mong sasakit sa ulo.

Inutusan kasi ako ni Tatay na bumili ng gamot para sa maintenance niya, hindi narin kasi siya nakakalakad dahil naaksidente eight years ago. Iniwan na rin kami ng Nanay kaya ako yung nag aalaga sa kanya ngayon. Mahirap, Oo pero kakayanin ko kasi para sa amin 'to.

Sighing, I smiled bitterly. I'm seriously having a hard time surviving. Ako kasi ang isa sa dahilan kung bakit siya nalumpo. For sure nito iiyak na naman ako kapag hindi ako titigil kakaisip sa kanya.

Pumasok ako sa isang pharmacy para makabili agad ng gamot, nagpapasalamat narin nga ako kasi maagang nagbubukas yung pharmacy dito.

“Good morning, Olivia Yesha.” -bati sa'kin ni ate Gloria. Naging close narin kami dahil dito ako parating bumibili.

“Magandang umaga rin, Ate Gloria.”

“Maintenance ba ng Tatay mo?”

“Opo,” -ngiti kong sagot. “Ito po yung bagong reseta sa kanya ng Doctor.” -binigay ko sa kanya ang reseta sa gamot ni Tatay. “Magkano po kaya lahat yan?”

“Titignan ko muna.”

“Okay po.”

Ilang minuto lang ay binigay na sa'kin ang gamot na bibilhin ko, mag ba-bayad na sana ako kaso bigla siyang umiling. “Sa'yo na 'yan, ako na ang bahala sa bayad mo. Ipunin mo 'yan at nang may baon ka sa pinapasukan mo.”

“Ate Gloria naman.”

“Sige na, umuwi ka na at nang maasikaso mo na yung Tatay mo saka yung pag-aaral.” -aniya. “Balita ko nakapasok ka sa SIS?”

Kahit papano napangiti ako sa sinabi nito. “Hindi ko po alam kung paano ako nakapasok dun pero sabi ni Tatay kunin ko na. I guess I should grab those great opportunity kasi minsan lang po yung mga biyayang ganun.”

“Aba eh, kay swerte mo naman pala. Pagpalain ka nawa ng diyos.”

Naiiyak akong napayuko. “Ate Gloria, maraming salamat po talaga.”

“Naku, 'wag kang iiyak dito at nang 'di ako mahawa diyan sa kadramahan mo. Sige na.”

Nakangiti kong sinalubong ang titig nito. “Balang araw Ate Gloria maibabalik ko rin lahat nang kabaitan na binibigay mo sa'min. Maraming salamat po ulit.”

“Walang anuman, magandang Olivia.”

Napangiti ako sa huling sinabi niya. She's an angel in disguise for me. Napaka thoughtful niya. She's the most amazing person I've ever met.

PAGKAUWI sa bahay nadatnan ko agad si Tatay na nagluluto ng almusal. Dali-dali naman akong tumakbo papunta sa kanya sa pag-aalalang baka ma-pano ito.

“Tatay naman, sana hinintay niyo ko.”

“Yesha, nagluluto lamang ako.”

“Alam niyo naman yung kalagayan niyo, hindi ba?” -tanong ko. “Baka mapano pa kayo kapag pinilit niyong kumilos.”

Kinuha ko yung sandok na hawak-hawak niya. Minsan kasi talaga napakatigas ng ulo ni Tatay, yung gamit kasi namin sa pagluluto ay yung nakakaya niyang maabot. Ipinatong lang kasi namin sa mababang mesa ang lutuan na ginagamit namin kaya kayang-kaya niyang magluto kahit nasa wheelchair.

“Anak, tinratrato mo ata akong bata eh. Kaya ko naman 'tong mga gawaing ganito.”

Umupo ako sa gawang kahoy na upuan katapat niya. “Alam ko ho, Tay, ayoko lang naman na maulit yung nangyari sa'inyo dahil sa kapabayaan ko.”

TRACKER'S OBSESSION (Mafia Series 1) (Completed✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon