PAG-UWI SA bahay, nadatnan ko si tatay na kumakain ng camoteque, nagmano ako sa kanya at tsaka inilapag ang bag ko sa may upuan. Umupo ako katapat niya saka pinagmasdan syang kumakain, napatigil sya kakanguya ng makita akong nakatitig sa kanya.
“Tay,” -nakangiti kong sambit.
“Kumain ka, mainit init pa 'to.”
Natawa ako nang mahina sa sinabi nito. “Kung hindi pa ako umupo sa harap nyo, yayayain nyo ba ako?”
“Kumain ka na, nag-e-emote ka pa dyan.”
Kumuha ako nang isang stick at kumain non. Ang sarap talaga nito, inabot ko yung baso at nagsalin nang juice. Gutom ako dahil marami akong iniisip, at hindi ko akalaing magiging patay gutom ako nang dahil lang dun.
“Kamusta pag-aaral mo, anak?”
“Maayos naman po, Tay.”
“Wala ka bang problema roon?” -tanong nya. “Wala bang nananakit sa'yo?”
Umiling ako kahit totoong may nananakit sa'kin. “Wala po.”
Tumango lamang sya saka ulit sumubo ng camoteque. “Nga pala, Tay. May gusto lang ho sana akong sabihin sa inyo.”
Tumango sya at sinenyasan akong magpatuloy.
“Tungkol po kay... kay Tyler.”
Napakagat labi ako dahil biglang sumeryoso ang mukha nya.
“Bakit? Anong meron sa kanya?”
“A-Ano po kasi. W-Wala ba kayong napapansin sa kanya?” -napangiwi ako. “Like, uhm, kagaya ng pabago bago niya nang mood?”
“Anong ibig mong sabihin? Sinasaktan ka ba niya?”
“Hindi ho, Tay.” -dipensa ko agad. “Naitanong ko lang po baka kasi may napapansin kayo sa kanya.”
Tumingin naman si Tatay sa'kin na parang sinusuri kung nagsasabi ba ako nang totoo o ano.
Baka kasi alam niya kung ano talaga ang problema ni Tyler, gusto ko ring malaman kung paano sila nagkakilala kung gayon wala naman syang sinasabi sa'kin nitong mga nakaraang taon. Ang hirap kasing isipin na yung taong nao-obsessed sa'kin eh kilala pala ng Tatay ko, gustong-gusto kong malaman kung dapat ba akong maging kampante kung gayong magkakilala sila ni Tyler o matakot dahil baka hindi niya rin alam kung ano ang totoong ugali nito pagdating sa kanya.
“Mabait si Jeremy, maaasahan ko yung batang 'yon.”
Napakunot ang nuo ko. “Bakit naman, Tay?”
“Gusto ko mang sabihin sa'yo ang dahilan eh ayoko syang pangunahan.” -sagot niya. “Mabait at sobrang galang nga niyang bata. Alam mo anak, sa mga panahong lugmok na lugmok tayong dalawa at walang makakapitan, nandyan sya para handang tumulong. Napakabait, napakagalang, at higit sa lahat, may takot sa'kin” -napailing-iling sya saglit. “Ang tigas rin pala ng ulo nun. Natatandaan ko pa noong may nagawa sya sa'kin, muntik pa syang magpakamatay dahil lang sa tingin niya kasusuklaman mo.”
“Muntik magpakamatay? Si T-Tyler po?”
Malungkot syang ngumiti sa'kin. “Marami syang kayang ibigay sa'tin pero lahat tinanggihan ko, pwera lang sa ibang grocery at skwelahan kung saan ka nag-aaral ngayon.”
Bigla akong kinabahan. “Ano po ang ibig nyong sabihin?”
“Wag mo na lang akong intindihin. Magbihis ka na at nang makahanda ka na ng hapunan.”
“Tay—”
“Magpapahinga muna ako.”
Tumango na lamang ako dahil masyadong halata si Tatay na gusto niyang ilihis ang usapan. Naguguluhan ako, kung tama ang pagkakaintindi ko ibig sabihin si Tyler ang dahilan kung bakit nakapasok ako sa SIS ng libre? Ibig rin bang sabihin nun—sya rin ang dahilan sa libre kong pagkain sa canteen?
BINABASA MO ANG
TRACKER'S OBSESSION (Mafia Series 1) (Completed✓)
ActionJeremy Tyler Yamaç Montellion is an animal tracker in the MAFIA'S ORGANIZATION. He is indeed skilled when it comes to hacking, stalking, and tracking. Just a click of his hand, and every little dirty secret you hide will be revealed in the blink of...