SPECIAL CHAPTER

57.7K 1.3K 232
                                    


OLIVIA'S POINT OF VIEW:

Five years later.

Abala ako kakatalak kay Tyler ngayon dito sa kwarto. Tahimik lang sya habang nakikinig sa'kin. He looked like a lost child at tila naghahanap ng Mommy niya na pwedeng kakampi sa kanya. Well bad news, walang kumampi.

Kinuha ko yung ruler at idinuro sa kanya. “Di ba sinabi ko na sa'yo na wag na wag kang magmumura sa harap ni Maverick?”

“Baby, I was talking to Darwin on the other line, I thought he's not there.”

“Don't talk back,” -agad naman syang yumuko. “Now, you have to face your consequences.”

“Oh no,” -he stood up, “Fu—I mean no. I can't do that, ayokong matulog sa labas. Ayokong iwan ka sa kwarto.”

“Ang usapan ay usapan.”

“Baby—”

“Hep. Wag kang magpapacute. Naiinis ako sa'yo.”

Napahilamos naman sya sa mukha niya. He's frustrated. Halata naman.

Gumawa kasi kami nang patakaran at hindi pwedeng hindi niya gagawin. I told them that cussing in our house is not welcome, and yes, my handsome husband broke that rule. Hindi porket mahal na mahal ko sya ay maaawa na ako.

After five years being together nakasanayan ko na ang ugali niya. We lived under the same roof with Tatay three years ago pero lumipat rin ng bahay ang ama ko kasama si Mama Gloria, yung pharmacist noon malapit sa bahay namin? Nagpakasal sila ni Tatay right after Tyler and I got married.

Okay, back to my husband. Dahil nga nakasanayan ko na ang ugali niyang parating nagmumura, palagi rin syang sa labas natutulog. Minsan hating gabi binubuksan niya ang kwarto at pagising ko nasa tabi ko na sya. Nakakainis pero hindi ko matiis.

Sinamaan ko sya nang tingin ng bigla niya akong hinila at pinakandong sa lap niya. “Hindi mo ako madadaan sa ganito.”

“I know,” -sagot niya at hinalikan ako sa batok.

“Tyler, Isa. Hindi pwede.”

“Wife,” -ungot niya, “Hindi ko na kaya.”

“Tiisin mo. Bubuntis buntisin mo ako tapos aarte ka?”

“Wife, come on.”

I am currently seven months pregnant with our second child. Our firstborn is Maverick Ammanuel Verdenilli Montellion, and our second child, who is on the way, is going to be our princess. Nagpa-ultrasound ako kahapon at hindi ko sinama si Tyler kasi gusto ko syang surpresahin.

Gusto ko sanang sabihin ngayon pero dahil nainis ako. Ipagpapabukas ko nalang.

“Wife?”

“Hmm?”

“I love you,” -he kissed my nape. “I love you so much.”

“I love you too, but I'm still mad at you.”

Pinaharap niya ang mukha ko sa kanya. “Sorry. I already told our baby to never say that words. He's a smart kid, sigurado akong hindi niya ako gagayahin.”

“Sa labas ka parin matutulog.”

Hindi sya umimik. Nanatili lang akong nakakandong sa lap nito samantalang nakayakap ang braso niya sa tiyan kong malaki na ang umbok. He kept kissing my nape while murmuring 'sorry' and 'I love you' to me.

Nakikiliti naman ako sa ginagawa niya. One of the things I admire about my husband is how devoted he is as a father to our child and as a loving husband to me. He consistently spoils us by giving us everything we want. Pero kahit ganun, lumalabas parin pagkapilyo niya—kagaya ngayon, nagmura na naman at ang mas malala, narinig pa ng panganay namin.

TRACKER'S OBSESSION (Mafia Series 1) (Completed✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon