CHAPTER 16

54.1K 1.3K 238
                                    

I DECIDED not to wait for Tyler to join me anymore because he seems busy. Skyler, Ace, David, and another unfamiliar guy approached him, I think they knew each other. I didn't want to wait and listen dahil medyo nakakabastos 'yon.

Those guys are undoubtedly famous so there's no way i'll wait there and listen to their conversation. Can't even imagine na maging chismosa ako sa harap ng mga nag ga-gwapuhang nilalang na 'yon.

As I stood by the classroom door, napahinto ako ng may biglang bumagsak na kung ano sa ulohan, something unexpectedly fell on my head causing me to gasp in shock. To my horror, a red liquid was dripping from it.

“Aaaaahhhhh!!!” -I let out a scream.

Lumabas ako nang classroom ng marinig ang sigawan at tawanan ng mga kaklase ko, some of them were laughing as they look at me. Tumingin ako sa kanila at nakita ko agad ang mukha ni Martha kasama ang mga alipores niya. They were laughing, cheering like i'm stupid, kaliwat kanang pambabastos ang lumalabas sa bibig nila. Naiiyak ako, sobrang lagkit nang katawan ko dahil sa tinapon nilang pintura.

Paano ko malalabhan ito ng maayos kung ganito kagrabe ang itinapon nila sa akin?

“Serves you right,” -maarteng wika ni Martha habang tinuturo ako mula ulo hanggang paa. “You know what? Bagay sa iyo 'yan, you look disgusting and a shame as always,” -sabi niya. “What a pity.”

Nagtawanan ulit silang lahat. Habang ako, hindi ko alam kung san ako titingin, paano ako uuwi kung ganito itsura ko?

“Boys—” -tawag niya sa mga di ko kilalang lalaki na lumapit sakin “Dalhin nyo yan sa Olympic pool.”

Dumagundong ang kaba ko sa dibdib dahil sa sinabi nito. Teka, anong gagawin nila sa'kin? “Ano ba! Bitawan nyo ako!” -sigaw ko.

Bigla na lang akong kinaladkad ng dalawang lalaki at hinawakan sa magkabilang braso.

“Bitawan nyo ako! Ano ba!” -pagpupumiglas ko. “Anong gagawin nyo sa'kin?! Bitaw sabi!”

“Oh please, shut up!” -sigaw ni Martha saka ako sinipa sa sikmura, napaigik naman ako dahil sa ginawa nito.

“Anong gagawin nyo kay Olivia?” -tanong ni Bert, kaklase ko, isa syang nerd pero mabait. “That's against the school law, makikita ni Dean ang ginagawa mo. Alam mo bang maraming CCTV dito?”

Hindi sya pinansin ni Martha, “Martha sabi ng—”

“Hindi naman ako bobo, nerdy,” -sagot niya. “Sira lahat ang CCTV kaya walang problema. Saka wag ka ngang makialam, baka ikaw yung pagbuntongan ko ng galit at lalangoy ka sa putikan.”

Masama ko syang tinignan. Ano bang problema niya sa'kin!?

“Kaladkarin nyo na yan, dyan tayo dadaan sa likod para walang makakita.”

“Hayop ka talaga! Ano bang kasalanan ko sa'yo!?”

“Ang ingay mo. Hilahin nyo na nga yan!” -tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa mga kaklase ko. “Walang magsasalita sa inyo, kapag ginawa nyo 'yon, malalagot kayo sa'kin.”

Hinila na nila ako, no—more on kinaladkad. Nagpupumiglas ako sa kanila pero kapag ginagawa ko 'yon hinihila naman ng isa sa kanila ang buhok ko. Napapasigaw ako sa ginagawa nila samantalang itong si Martha mukhang baliw na tatawa-tawa.

“Let me go! Ano ba!” -I shouted.

Pero para lang silang bingi na hindi nakikinig sakin, kahit anong sigaw at pumiglas ko sa kanila sinasaktan lang nila ako. Naiiyak ako na natatakot, hindi ko alam kung ano ang gagawin nila sakin.

Binuksan ng isa sa alipores ni Martha ang gate ng Olympic pool, walang tao, kami lang. Nanginginig ako sa takot, hindi ako makahinga, parang puputok ang ugat ko sa ulo dahil sa kaba.

TRACKER'S OBSESSION (Mafia Series 1) (Completed✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon