CHAPTER 12

58.2K 1.3K 207
                                    

NAGISING AKO sa isang hindi pamilyar na kwarto. Ilang beses kong tinapik ang mukha ko para siguraduhing hindi ako nananaginip. I roamed my eyes around only to find out that I'm not really dreaming. This is true. Ano bang nangyari? Oh christ. Oh my god. Sana nagkakamali lang ako.

Luminga-linga ako sa paligid at nakita ko agad ang pinto. Sinubukan kong tumayo at nagpapasalamat dahil okay pa naman ang dalawang paa ko.

Pagbukas nang pintoan, ganoon nalang ang pagkamangha ko sa ganda ng bahay—o kung bahay pa nga bang matatawag ito. Sobrang laki ng chandelier, ang daming ilaw, ang sahig gawa sa marbles ganon rin ang pader. Halos napapalibutan ang buong bahay na gawa sa glass wall. Makikita mo sa labas ang mga nagtatayugang kahoy, ang mga ibon at ang kalangitang nagsisimula ng dumilim.

Teka, dumilim!?

I started to panick. Hindi ko alam kung nasaan ako at anong ginagawa ko dito. Bakit parang nasa may gubat ako? May ganito bang kagarang bahay sa kakahuyan? Nananaginip ba ako? Nagha-hallucinate?

Oh my god,” -napahawak ako sa bibig. “Anong ginagawa ko rito?”

Lumabas ako sa teresa at halos mapanganga ako sa nakita, tama nga ang hinala ko. Nasa kagubatan ako na may isang nakatayong magara at mayamang bahay!

“A-Anong...” -dahan-dahan akong napalunok. “Bakit ako nan—”

“Olivia?” -bigla akong kinabahan ng makarinig nang boses. “Oh, shit! Olivia!”

Bigla akong namingi. Hindi ko alam kung anong gagawin. Oh my god. Anong ginagawa niya rito?

“Putangina! Curse! Damn it!” -sigaw nito na halatang nagpapanick. “Hurry up!”

Rinig ko ang malalakas na yabag ng patakbong paa papunta sa lalaking hindi ko aakalaing maririnig ko ngayong gabi.

“What the hell?” -mura nito. “Ba't ka ba sumisigaw?”

“She's fúcking missing!”

“What?”

Lumipas ang ilang segundo bago sya nakasagot. Mukha kasi syang nagha-hyperventilate, Yung itsura niya mukhang hindi mapakali. Kahit nasa malayo ako kitang-kita ko kung paano sya gumalaw dahil sa kaba at nerbyos.

“Please,” -isinubsob niya ang dalawang palad sa mukha niya. “Please, help me find her, tangina tulungan mo ako.”

“Okay, wait. I think im hallucinating, you?” -he pointed Tyler. “Saying please to me? Namamaligno ba ako?”

“Just help me find my baby.” -aniya. “I think I'm losing my mind right now.”

“We left her in your room, remember? Saan naman sya pupunta?”

“I don't know. Just, just help me.” -kapagkuwan ay narinig ko ulit ang malulutong niyang mura. “Shit. Where is she?”

Frustrations is visible on his voice; he's panicking and starting to feel impatient. Nagsimula na silang maghanap kaya napaatras ako. Iniisip ko kung paano ako napunta rito at bakit may dalawang lalaki akong kasama. Nanginginig narin ang dalawa kong mga kamay. Hindi na talaga 'to maganda.

Ano nga bang nangyari. I closed my eyes and tried to remember everything, trying to think about what happened lately. An image popped into my head while thinking something. Oh my goodness, naalala ko na. I lost consciousness. Niyakap ako ni Tyler tapos—saglit na nag-loading ang utak ko.

Did he kidnapped me? I shook my head. That can't be happen. Hindi naman siguro sya ganun.

“Olivia!” -he shouted. “Baby! Where are you!”

TRACKER'S OBSESSION (Mafia Series 1) (Completed✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon